Advertisers

Advertisers

CO-ACCUSED NINA ROMUALDEZ AT ZALDY CO NAKALABAS NA NG BANSA – BI

0 2

Advertisers

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes ang implementasyon ng hold departure order (HDO) na inilabas ng Sandiganbayan laban kina dating Speaker Martin Romualdez, dating Congressman Zaldy Co at dalawang iba pa.
Kabilang din sa HDO sina Felicito Cristobal Guevarra at Joselyn Serenio.
Ayon sa pinakabagong immigration records, sinabi ng BI na nananatili sa Pilipinas sina Romualdez at Guevarra, habang nasa labas ng bansa sina Co at Serenio.
Naunang umalis ng Pilipinas sina Co at Serenio bago inilabas ang HDO.
Sinabi ng BI na patuloy nitong mahigpit na ipatutupad ang HDO at magsasagawa ng mga kaukulang immigration measures alinsunod sa mandato nito.
Gayunman, hindi maaaring ibahagi ng ahensya ang mga partikular na detalye ng biyahe o iba pang personal na impormasyon ng mga indibid-wal bilang pagsunod sa Data Privacy Act of 2012 at iba pang umiiral na batas.
Matatandaang nahaharap ang apat sa P7.4 bilyong plunder charge na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng flood control scandal.