Advertisers
KINUWESTIYON ng Malakanyang kung seryoso ba ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa kanilang pahayag na handa ang bise presidente na pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sakaling magbitiw ito sa pwesto.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na normal umano sa mga kaalyado ni VP Sara ang ganitong pahayag pero dapat itong tingnan kung seryoso at makatotohanan.
Muli ring tinawag ni Castro na “absolutely delusional” o isang kahibangan ang naturang pahayag.
Giit ng Palasyo, hindi dapat basta hinihingi ang pagbibitiw ng Pangulo.