Advertisers

Advertisers

19 Bagong Direktor, Ipinakikilala sa Puregold CinePanalo Student Shorts

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Hindi lamang mga batikang artista at filmmaker ang tampok sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026. Tampok din sa festival ang 19 na bagong boses sa paggawa ng pelikula na magpapakita ng kanilang talento sa Student Shorts Category.

Mula sa iba’t ibang panig ng bansa, dala ng mga batang filmmaker ang sari-saring kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, pangarap, identidad, pakikibaka at mga realidad ng buhay.

Nahati sa apat na set ang 19 student short films na kalahok ngayong taon.

SET A
“Starfish”
Direktor: John Clite Apolinar
Mga Bida: VR Relosa, Nour Hooshmand, Jake Ulan, Floyd Tena at Dads Valencia
Logline: Napilitang bumalik sa kanyang probinsiyang bayan ang isang lalaking sex worker. Doon, hinarap niya ang kanyang estranged father, kapatid na babae at isang komunidad kung saan mas pamilyar ang anyo ng pang-aapi.
“Kun Hain, Bisan Diin (Anywhere and Everywhere)”
Direktor: Jomarie Reyes
Mga Bida: Pau Baluyan, Carla Zarcal at Anton Nolasco
Logline: Isang batang abogado ang umuwi sa Samar upang hanapin ang kanyang estranged activist mother bago ang kanyang kasal.
“Kanibal”
Direktor: Michael Baylon
Mga Bida: Rowen Jean Ledesma, Roselle Lao at Ma. Lourdes Maculada
Logline: Sa isang palengke kung saan hindi maiiwasan ang pagbabago, kasabay nito ay unti-unting nagbabago ang paniniwala at katawan ni Lea.
“Sa Mga Nagdaan at Lumipas”
Direktor: Ezaldea Carla Fernandez
Mga Bida: Darelle Tiu, Aly Torres at Karla Dipasupil
Logline: Isang queer archivist na nagluluksa ang nagbalik-tanaw sa kanyang yumaong minamahal sa pamamagitan ng pag-iingat ng isang historical video na nagdodokumento sa unang Pride March sa Pilipinas noong 1994, kung saan kapwa sila tampok.
“Limlim”
Direktor: Samantha Beatriz Acoja Palaje
Mga Bida: Zoey Madison Presentacion Lim at Angela Salga
Logline: Isang sampung taong gulang na batang babae at ang kanyang ina ang namuhay nang hiwalay sa ibang tao sa isang lumang chicken farm. Doon, napilitan nilang harapin ang kanilang pagdadalamhati habang nagsisimula ng panibagong buhay.

SET B
“Alumahan”
Direktor: Christian Melvin M. Arejola
Mga Bida: Don Rishmond Cerbito, Zoey Madison Lim at Jeremy Mayores
Logline: Sa isang maliit na baybaying bayan, sinisikap ng 13-anyos na si Unyok, isang fish port helper na nakararanas ng pang-aapi mula sa kanyang mga kaedad, na mapabilang sa isang marahas na gang. Ngunit haharap siya sa isang brutal na initiation rite.
“When Heaven Inched Towards Earth”
Direktor: Vinh Marco
Mga Bida: André Miguel at Kaleb Ong
Logline: Sa isang Catholic high school sa Bulacan, ang pagkakaibigan ng isang batang nagmula sa bukid at isang sacristan ay nagtulak sa kanya na harapin ang pananampalataya, hiya at ang pagitan ng langit at lupa.
“No Mad is an Island”
Direktor: Carl Geronimo
Mga Bida: Arjhay Mangulabnan at Vic Romano
Logline: Sa isang masiglang fishing town, pangarap ni Matmat na sumayaw na parang isda, ngunit patuloy siyang binabalot ng mundong tila laging naghahagis ng lambat sa kanyang mga pangarap.
“Tingi”
Direktor: Rowan De Aro
Mga Bida: Jero Andrey Marcelino at Evangeline Argete Gigante
Logline: Sa isang neighborhood sari-sari store kung saan bawat transaksiyon ay may kuwentong dala, palihim na nag-iipon ng bawat sentimo ang isang graduating student para sa kanyang pag-aaral. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang susubok sa kinabukasang matagal niyang pinaghandaan.
“Ang Huling Banlaw ni Susan”
Direktor: Hezekiah M. Estorque
Mga Bida: Jonalyn Mateo, Ian Laczi, Chayl Flores at Jeffrey James
Logline: Unti-unting sumasanib sa realidad ang makukulay na pantasya ng isang Filipina labandera, na naglalantad sa nakatagong halaga ng pagsusumikap na mabuhay sa isang sirang sistema.

SET C
“Pulis Dunggab”
Direktor: Maxine Dela Bajan
Mga Bida: Van Jordan Gacayan, Elj Seth Tababa at Richel Ann Basiga
Logline: Habang nilalaro ang kanyang paboritong larong Pulis Dunggab, napadpad ang siyam na taong gulang na si Dongkoy sa isang pangyayaring magpapabago sa kanyang pananaw, mula sa simpleng larong pambata tungo sa isang realidad na hindi niya inaasahan.
“The Sound of K”
Direktor: Jay Gabriel A. Cañada
Bida: Jay Gabriel A. Cañada
Logline: Isang batang lalaki na takot magsalita ang unti-unting natututong hanapin ang kanyang sariling tinig. Ngunit kailangan muna niyang harapin ang mismong tunog na matagal niyang iniiwasan.
“Nakabinbin”
Direktor: Carlo Gula
Bida: Soliman V. Cruz
Logline: Kailangang kumuha ng death certificate ang isang biyudong ama upang mailibing ang kanyang anak. Ngunit nang matuklasan niyang walang katibayang nagpapatunay na isinilang ito, wala siyang ibang pagpipilian kundi labagin ang batas.
“Nang Matakasan ang Tagay”
Direktor: Giancarlo Santiago
Mga Bida: Chino Alfonso at Jovic Gabriel Cardano
Logline: Sa bisperas ng kanyang pag-alis, nahahati ang isang seaman sa pagitan ng farewell drinking session kasama ang mga kaibigan at tahimik na sandali kasama ang kanyang anak. Sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng machismo at lambing, napilitan siyang harapin ang isang bagay na matagal na niyang ipinagpapaliban.

SET D
“Teks Battle: Shoot Pati Pato!”
Direktor: John Russel Capule
Mga Bida: Trisha Nicole Corpus, Kenneth Mendoza, Rhandylle Marius Obra at Samantha Gleo
Logline: Sa isang maliit na barangay kung saan ang larong teks ng mga bata ay sumasalamin sa tunay na kapangyarihan, hinamon ni Maya si Rod, ang dating reigning champion na naging tila diktador. Ang kanilang teks battle ay maaaring magbago sa kapalaran ng buong komunidad.
“Kapag Tapos na ang Umpukan”
Direktor: Justine Lee Estinor
Bida: Oz Kenshin Rodas
Logline: Isang kabataang nahaharap sa pagitan ng obligasyon sa pamilya at sariling ambisyon ang napunta sa isang mahalagang yugto ng kanyang buhay. Sa gitna ng ritwal ng paggawa ng lambanog at isang gabing puno ng selebrasyon, kailangan niyang harapin ang tapang na matagal na niyang ipinagpapaliban.
“12 Shots”
Direktor: Minnesota Flores
Mga Bida: Nor Domingo, Kyrie Samodio at Ethan King
Logline: Sa isang lumulubog na photo studio sa Maynila, minana ng isang teenage apprentice ang vintage camera ng kanyang mentor at ang pagkahumaling nito sa nakaraan. Ngunit nang maging nakamamatay ang isang utang, kailangan niyang balikan ang mga pangyayaring nagdala sa lahat sa puntong iyon.
“Bumtak Sara ti Nuangen (The Carabao’s Horns Have Cracked)”
Direktor: Lloyd Pereira
Mga Bida: Belle Francisco at Riya Miranda
Logline: Determinado ang isang dalaga na hanapin ang kanyang ina at malapit na siyang maging kauna-unahang OFW mula sa kanilang bayan. Dahil dito, nagkagulo ang mga residente at nagkaroon ng samu’t saring nakatatawang reaksiyon.
“Miss Intrams”
Direktor: Henri Marie C. Belimac
Mga Bida: Mariella Cuerpo, Mika Hamajo at Diana Palma
Logline: Sumali ang isang queer transmasc college student sa campus Miss Intramurals pageant hindi para manalo kundi para hanapin ang sagot sa isang personal na tanong: Ito ba talaga ang kanyang pagkatao, o ito na ang pamamaalam sa taong dati niyang nakilala bilang siya?

PELIKULA PARA SA LAHAT
Ang Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay gaganapin mula September 23 hanggang October 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!
Ang regular ticket ay P250, habang P200 naman ang discounted rate. Mayroon ding P2,000 festival pass para sa mga gustong mapanood ang buong lineup.
Kabilang sa maaaring makakuha ng discounted tickets ang PWDs, senior citizens, students, national athletes at mga Aling Puring at Perks cardholders.
Available ang festival passes sa Gateway Cineplex 18 simula September 22 at sa TriNoma simula September 23.
Sa pamamagitan ng student shorts, muling binibigyan ng CinePanalo ng pagkakataon ang mga bagong filmmaker na maipakita ang kanilang mga kuwento at magkaroon ng puwang ang kanilang mga boses sa patuloy na pag-unlad ng pelikulang Pilipino.