Advertisers

Advertisers

Vice Mayor Quezon sa sinuspinde ng Ombudsman

0 4

Advertisers

Sinuspinde ng Office of the Ombdusman si Tayabas City, Quezon Vice Mayor Rosauro Dalida.

Sa kautusan ng Ombudsman, anim na buwan at isang araw ang suspensyon ni Dalida dahil sa “administratively liable for Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service”.

Dahil dito kaya Agad ipinapatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon ni Dalida.

“He is hereby meted the penalty of Suspension of Six (6) months and one day Without Pay pursuant to Section 5, rule VI , administrative Order No. O1.Series of 2026, in relation to Section 25 of Republic Act No. 6770”, nakasaad sa kautusan ni DILG Regional Director Ariel Iglesia.

Ang kaso ay nag-ugat matapos na magreklamo si retired Ambassador Fortunato Oblena matapos siyang makatanggap ng ulat na nasira ang ang kanyang mga tanim na mga niyog at iba pang puno dahil sa konstruskyon ng kalsada na proyekto ni Dalida noong Pebrero 2024.

Sa salaysay ni Oblena, agad siyang nagtungo sa lupang kanyang pag-aari at nakumpirma na mayroong road construction na 200 metro ang haba at hindi siya sinabihan dito bago pa gawin ang proyeto.

Nadiskubre rin aniya ni Oblena na ang nasabing proyekto ay para magbigay daan sa isang property na nabili ni Dalida na kanyang dinidevelop para sa commercial housing project at maka attract ng mga buyer.

Para aniya ma-justify ang construction ay hinikayat ng Bise Alkalde ang Brgy Council ng Camaysa, Tayabas City na magpasa ng resolution kahit hindi ito inaprubahan ng DENR at DPWH.

Giit ni Oblena, hindi na kailangan ng kalsada sa kanyang pag aaring lupa dahil mayroon na itong daan na ginagamit ng mga mangsasaka patungo sa kanilang properties.

Kinompronta rin aniya ng security escort ni Dalida ang mga kamag anak ni Oblena noong Abril 26,2024 kung bakit ipinatigil ang nasabing proyekto.

Giit ni Oblena na malinaw na paglabag sa Revised Penal Code sa ilalim ng RA 3019 at RA 6713 gayundin sa PD 705 (forestry law) ang ginawa ng Bise Alkalde. ###