Advertisers

Advertisers

Tuloy ang BSKE; at aprub sa 5 yrs term

0 4

Advertisers

HANGGA’T walang naipapasang batas, tuloy ang Barangay ang Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.
Ito ang ipinahayag ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia.
Sabi ni Garcia, kahit nakapasa na sa 3rd at final reading ang panukala sa pagpaliban sa BSKE at naiakyat ito sa Tanggagan  ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi parin masasabi na postpone ang halalan.
Mayroong 30 days si Pangulong Bongbong para rebyuhin  ang Bill, kung pipirmahan ito o ibasura. Maaring ring ibalik ito sa Senado kung may gusto ipabago ang pangulo.
Nakasaad sa Bill na gawa ni Senador Chiz Escudero na ipagpaliban sa 2028 ang nakatakdang BSKE sa Nob. 2, 2026. At nakasaad din dito na gawing limang taon ang termino ng barangay, na ma-reelect ng isang beses; habang ang SK ay limang taon din pero walang reelection.
Ang kasalukuyang termino ng barangay ay tatlong taon, pero mayroong reelection na tatlong beses.
Kung ako kay Pangulong BBM, ipatutuloy ko ang BSKE sa Nob 2 ng taon, at aaprubahan ko ang 5 years term with reelection pero sa sunod na tatlong taon na ito ipatupad.
Masyadong unfair kasi sa atin na mga taong bayan na tanggalan ng karapatan, na nakasaad sa ating Saligang Batas, na ipagpaliban ang nakatakdang halalan, dahil lamang sa para raw makatipid ang gobierno. Eh nakagastos na ng mahigit P8 billion ang Comelec sa paghahanda sa BSKE na ito!4
Ang pondo para sa Nob. 2, 2026 BSKE ay naka-appropriate sa 2026 General Appriations Act (2026 GAA). Kaya hindi puedeng idahilan ni Escudero na walang budget para sa halalang ito.
Dapat ituloy ang BSKE sa Nob. 2. I-veto mo, Mr. President!!!
***
Todo banat ng mga DDS sa P500 million na ibinigay ni PBBM para sa isang proyekto sa lungsod (Naga City) ni Mayor Leni Robredo.
Gusto lamang daw maging kakampi ni PBBM ang kakampink para sa 2028 nat’l. election kaya binigyan ng P500m-halaga ng proyekto si Robredo.
Sus! Ano ba naman ang P500m sa P51 billion ni Congressman Pulong Duterte sa Davao City?
Oo nga pala, may nadikusbre ang NBI na mga substandard at ghost projects sa Davao City.
Ginawa ng NBI ang imbestigasyon matapos hamunin ni Pulong si NBI Director Melvin Magtibag na hanapin kung mayroong katiwalian sa P51-billion niyang proyekto sa Davao.
Nang ianunsyo ni Matibag ang kanilang natuklasan, bglang kambiyo si Pulong. Dapat daw imbestigahan din ang ibang lungsod, wag i-single out ang Davao. Ngek!
Maghahamon tapos maghahanap ng damay. Animal!!!
***
Sabi ni Ombudsman Boying Remulla gusto niyang may Civ il Service eligibility ang mga kandidato sa BSKE.
Okey itong gusto mangyaro ni Boying. Kaso hindi nakasaad sa batas na ang mga kandidato ay dapat Civil Service eligible. Ang nakasaad lang ay marunong magbasa at magsulat, at isang Filipino citizen.