Advertisers

Advertisers

Cayetano: ‘Quality time’ sa kabataan susi kontra karahasan sa paaralan, iba pang problema ng kabataan

0 2

Advertisers

Binigyang diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng mga repormang makatutulong para maibalik ang “quality time” ng mga pamilya at paaralan sa kabataang Pilipino upang maiwasan ang dumaraming karahasan at iba pang problemang kinasasangkutan ng kabataan.

 

Ipinahayag ito ni Cayetano sa kanyang manifestation sa plenary session nitong September 21, 2026, kung saan inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Sagip Bata Act at Comprehensive School Safety Act nitong Lunes.



 

Layunin ng Sagip Bata Act na palakasin ang proteksyon ng mga bata laban sa online sexual abuse, exploitation, at grooming.



 

Magtatatag naman ang Comprehensive School Safety Act ng pambansang pamantayan para sa seguridad at pagmomonitor ng mga banta sa mga paaralan.



 

Bagama’t suportado ng Minority Leader ang mga panukala, sinabi niyang hindi sapat ang regulasyon sa online media para “maunahan” ang problema.

 

“These laws will help people. Every death prevented, every sexual abuse prevented, every bullying prevented is important… Pero kung gusto nating unahan, then it will take much more than regulating the media,” aniya.

 

“It is becoming a more dangerous world because it’s becoming a busier world… Young people have more time with their cellphones than their parents, school, and church,” diin niya. 

 

Binanggit ni Cayetano ang half-day classes sa maraming pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan.

 

Muli niyang hinikayat ang gobyerno na pondohan nang buo ang K to 12 upang maibalik ang whole-day classes. Kung hindi naman aniya ito kayang pondohan ay pag-isipang alisin na lang ang dinagdag na dalawang taon.

 

“Dinagdagan mo nga ng two years, half day naman… The reality is, less time ng church, parents, teachers sa bata, the more on-screen and online time they will have,” aniya.

 

Ang mga repormang tulad nito na magbubuhos ng oras at resources sa kabataan, kasabay ng pagbabago sa “habits” ng mga pamilya at nakatatanda, ang kailangan para maagapan ang dumaraming kaso ng karahasan na dati nama’y “unheard of” sa Pilipinas. 

 

“Naging normal na busy tayo lahat eh. Naging normal y’ung rat race,” puna ni Cayetano. “If we want to address the present problems, y’ung mga phenomena na unheard of sa atin before, y’ung violence sa schools… we have to give more time to the most important issues.”

 

“The young people need time with their parents, with their teachers, with their religious leaders,” diin niya.