Advertisers
MUNGKAHI ni Ombudsman “Boying” Remulla, ang mga barangay official partikular ang tserman o kapitan, treasurers at administrators ay dapat mayroong Civil Service eligibility.
Ito’y dahil ang barangay officials ay “first line of service” ng gobierno sa komunidad kaya dapat required sila ng Civil Service eligibility para lalo mapalakas at mapaganda ang frontline ng serbisyo. Mismo!
Sa kasalukuyan, ang Civil Service eligibility ay hindi general requirement sa elected officials. Ang tanging requirements lang kasi sa pagtakbo o pagkandidato ay: Filipino resident, registered voter sa lugar kungsaan tumatakbo, at marunong magbasa at magsulat.
Napakababaw ng requirements, ano po? Kaya ang daming hoodlum na tumatakbo at nananalo eh. Resulta: Nagkakahetot- hetot ang serbisyo sa komunidad. Hehehe…
Kung kayo ang tatanungin, mga pare’t mare, pabor ba kayo sa mungkahi ni Ombudsman Remulla na i-require ang Civil Service eligibility sa barangay officials? Text n’yo nga ako…
***
HINDI nakadalo nitong Martes, Sept 22, sa House budget deliberations para sa kanilang budget para sa year 2027 si Office the Vice President (OVP) Chief of Staff Zuleika Lopez dahil nasa emergency room daw ito.
Sabi ni Palawan Representative Jose Alvarez, may sipon si Lopez. Nagsumite ito ng medical certificate sa kanyang opisina dalawang araw bago ang pagdinig.
Nakiusap daw si Lopez sa House leadership na ipagpatuloy lang ang pagdinig para hindi maantala ang budget process.
Sus! Sipon lang takbo agad emergency room. Eh simpleng karamdaman lang naman ito. Paracetamol o Gin-calamansi lang ang gamot naman sa ganito eh. Hehehe
Well, ganyan talaga ang mayayaman, konting karamdaman lang sa katawan, takbo agad sa mamahaling ospital. Iba talaga ‘pag may confi fund. Ehek!
Pero kahit wala ang “dyowa” ni VP Sara, mabilis na tinapos ng Kamara ang deliberation sa P785.20 million proposed budget ng OVP for 2027.
Noong ‘di pa sila war ni PBBM billions ang budget ng OVP, bukod pa sa intel fund.
***
HINDI na ngayon makapag-deny ang Davao City Hall na ang GenCorp, umano’y pag-aari ni Vice President Sara Duterte, ay mayroong existing contract sa supply ng pagkain sa city hall via PhilGeps.
Ang ibig sabihin ng PhilGeps ay Philippine Government Electronics Procurement System, ang tanging central web portal na ginagamit sa lahat ng public procurement transactions sa Pilipinas.
Mahigpit na pinagbabawal sa batas na ang isang government official ay makipag-transaction sa mga programa ng gobierno. Ito’y conflict of inretest.
Yari na naman si Inday Lustay dito. tsk tsk tsk…