Advertisers

Advertisers

MARAMING ILEGAL SA ZAMBALES

0 4

Advertisers

HINDI biro ang resulta ng proseso ng “accretion” sa lalawigan ng Zambales. Dahil sa laki at dami ng dumaloy na buhangin, bato, at lahar materials mula sa 1991 pagputok ng bulkang Pinatubo, isang bayan ang isinilang sa lalawigan.

Ayon kay Mines and Geoscience Board (MGB) geohazard expert Carlos Salac, lumaki ang baybay-dagat ng bayan ng San Felipe ng 300 metro mula 1977 hanggang 2015. Sa isang survey noong Oktubre, 2021 sa pagtatapos ng habagat, may nadagdag na 100 metro.

Ayon kay MGB Regional Director Noel Lacadin at Provincial Engineer Domingo Mariano sa isang panayam, abot sa 500 metro ang inilaki ng dalampasigan ng San Felipe at San Narciso dahil sa dinepositong lahar materials na abot sa 7.3 billion cubic meters mula Pinatubo pababa sa dalampasigan at idineposito ang ga ito sa pamamagitan ng tatlong pangunahing ilog – Bucao, Sto Tomas, at Maloma.



Taong 2011 ng tanim ng punong agoho ang 20 ektarya ng bagong dalapmsigan sa Barangay Sto. Niño upang patatagin ang lupa doonl. Itinuring ang kabuuan ng bagong dalampasigan bilang “unclassified public land.” Isa lang ang ibig sabihin nito: sa ilalim ng batas, hindi maaaring kamkamin ng mga pribadong tao, bigyan ng titulo ng lupa, tayuan ng anumang istruktura, at ibenta sa ibang tao. Iyan ang malinaw bilang unclassified public land.

Gayunpaman naging masigla ang negosyo ng lupa sa San felipe. May mga taong kahina-hinala ang naging may-ari ng malaking bahagi ng bagong dalampasigan. Tagumpay nilang naibenta ang mga lupa iyan at agarang nagkaroon ng negosyo doon. Iyan ang mga bagng resort homes doon. Ito ang sabi ng Provincial Foreshore Council: “Almost all of the resort owners in Santo Niño, San Felipe, Zambales are illegal, with no land title, no building permit, but only deed of sale from questionable persons claiming to be land owners”



Ito ang sabi ni Reinhard Jeresano, alkalde ng San Felipe: “People, most of them from Manila, have been snapping up beachfront properties here at P9,000 per square meter even without papers. Imagine that? Then there are cases when the claimants quarrel among themselves over areas and boundaries, and then sue before the court”

Ayon kay Jeresano biglang nagsulputan ang mga negosyante sa lupa na may dalang tax payments at iba pang dokumento na sila ang may-ari ng mga upa, ngunit marami doon ang huwad. Isang malaking tanong kung paano sila papanagutin, aniya.



Mayroon rin mga dayuhan ng nakabili umano ng ilang bahagi ng dalapaigan. Tulad ng ibang negosyante, pawang naloko ang mga dayuhan dahil walang totoong titulo ng lupa sa dalampasigan ng San Felipe.

Ayon sa ulat, biglang dumami ang mga resort sa San Felipe: 42 noong 019, 52 noong 2020, 77 noong 2021, 136 noong 2022, at 298 noong Setyembre, 2023. “Most are operated by illegal settlers,” ani Jeresano. “All business operators beyond coastal road at Liwliwa are illegal settlers, who have stayed on simply by reason of occupancy,” aniya.

Hindi palaisipan kung bakit ibinintang sa dredging operators ang pagbagsak ng maraming resort houses sa baybay-dagat ng San Felipe. Kailangan may bigyan sisi ang pagguho ng puhunan ng maraming negosyante ng naloko sa ilegal na pagbili ng mga lupain sa dalampasigan ng San Felipe. Ang mga sangkot sa dredging operations ang pinakamabisang palusot.

Hindi nila binanggit ang matinding epekto ng habagat – ang hampas ng mga malalaking alon, malalakas na hangin, at maraming ulan na gumuho sa malaking bahagi ng dalampasigan. Syempre, palusot ito ng mga mapagsamantalang negosyante na nakakaloko upang bumuhos ng malaking puhunan ang ibang mangangalakal sa marupok na dalampasigan ng San Felipe.

Hanggang ngayon, malakas ang bentahan ng mga lupa sa San Felipe. May balita kami na hindi titulo ang ibinebenta kundi ang tinatawag na “rights.” Ngunit ano ang rights kundi ang karapatan ng maging iskuwater. – right to squat.

Ayon sa inventory DENR at Provincial Government, abot sa mahigit 2,000 private resorts sa bayan ng San Narciso at San Felipe at nagnenegosyo sila ng walang kaukulang business permit. Inayo ang kanilang pasilidad ng ng walang building permit. Bawal iyan sa unclassified public land.