Advertisers

Advertisers

116 GOLFERS, NAGSANIB-PUWERSA SA ‘BATANG ECOZONE GOLF FOR A CAUSE’

0 120

Advertisers

Matagumpay na isinagawa ang Batang Ecozone Golf Tournament 2026 na nilahukan ng 116 golfers sa Splendido Taal Golf Course sa Laurel, Batangas noong Martes, Setyembre 22, 2026.

Hindi lamang kompetisyon sa golf ang tampok sa naturang torneo kundi isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong makalikom ng suporta para sa mga programa ng Unified Ecozones of the Philippines, Inc. – Batang Ecozone.

Kabilang sa mga isinusulong na programa ng organisasyon ang skills training and development, leadership programs, scholarships, welfare initiatives at mga proyektong pangkomunidad.



Nagsimula ang aktibidad sa registration alas-6:00 ng umaga, sinundan ng Ceremonial Tee-Off alas-7:15 at opisyal na shotgun start alas-7:30 ng umaga para sa 18-hole tournament.

Kabilang sa mga nakibahagi sa Ceremonial Tee-Off sina Engr. Alex Macaraeg, Mr. Takashi Kawano-san, VADM Valentin Prieto, Gen. Federico Laciste at Engr. Jerry Alfante.



Nagbigay naman ng mensahe ang special guest of honor na si Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Theo Panga, na bumati sa mga lumahok, investors, sponsors at organizers ng torneo.

Pinuri ni Panga ang Batang Ecozone sa pagsasagawa ng golf tournament na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na magsama-sama at magtaguyod ng makabuluhang adhikain sa pamamagitan ng sports.



“Patuloy na susuporta ang PEZA sa mga proyekto ng Batang Ecozone dahil sa maganda nilang adhikain para sa mga mamamayan, partikular na sa mga manggagawa,” ani Panga.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Engr. Alfante, pangulo ng Batang Ecozone, sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na torneo.

Umaasa rin siya na muling makakasama ang mga kalahok sa susunod na golf tournament ng organisasyon.

Kinilala ang mga natatanging kalahok sa iba’t-ibang Fun Holes categories:

Longest Putt, Hole 4: Jasper Cabuntocan – 197 inches

Longest Drive, Hole 9: Alex Francisco – 251 yards

Most Accurate Drive, Hole 9: Ric Inion – 5 inches

Nearest to the Pin, Hole 15: Romer Diaz – 8 feet

Hole-in-One, Holes 3, 15 at 17: Walang nakapagtala

Sa overall scores, itinanghal na Lowest Gross si Romer Diaz na may 76 gross, habang si Jay Alfante naman ang nag-uwi ng Lowest Net honors sa iskor na 69 net.

Narito ang mga nagwagi sa bawat division:

CLASS A

Champion: Noel Bunag – 70 net, 1 eagle

1st Runner-up: Rexel Amor – 70 net, 9 pars

2nd Runner-up: Art Zuniega – 70 net, 8 pars

CLASS B

Champion: Jun Matabuena – 72 net, 2 pars

1st Runner-up: Darwin Santos – 72 net, 1 par

2nd Runner-up: Noel Ramirez – 72 net

CLASS C

Champion: Rommel Felix – 76 net, 1 par

1st Runner-up: Joseph Cabuntocan – 76 net, 7 bogeys

2nd Runner-up: Lucky Manas – 76 net

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga organizers, participants at sponsors na nagbigay-suporta upang maisulong ang mga programa at community initiatives ng Batang Ecozone.

Kabilang sa mga sponsors ang BUENAS PH, PCSO, Sako Pilipinas, PAGSS, PAGCOR, The Forza Group, Skytrack Aviation Service, Schneider Electric, MACRO Wiring Technologies Inc., SAZGAR, Always Empowering Innovation (AEI), CONVERGE, BYD Sta. Rosa, ENVIROCOOL – Carrier Slim, Floor Mounter Aircon, K&G Golf Apparel and Accessories, ACESTAR INTERNATIONAL SERVICE CORP. (AISC), AGX Logistics Group, LOGISTICS Cargo Forwarders & Brokerage Corporation, Imperial Nova, Novo Japan, WOKE UP COFFEE, Masaganang Pilipinas Movement, LSERV Corporation CALABARZON CAVITE Region II, Eagles Club/Airport Maharlika Eagles Club, Core Business Systems Application Corporation, PHL Links Innovation, Inc. at Prime Kitchen.