Advertisers

Advertisers

Excise tax sa LPG, kerosene sinuspinde ni PBBM

0 5

Advertisers

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 125 na pansamantalang nagsususpinde sa excise tax sa ilang produktong petrolyo.

Saklaw ng suspensyon ang LPG, maliban kung ginagamit bilang raw material sa paggawa ng petrochemical products o bilang panggatong sa sasakyan, at kerosene, maliban kung ginagamit bilang aviation fuel.

Ayon sa EO, umabot sa $99.41 kada bariles ang average Dubai crude oil price batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) nitong nakalipas na 30 araw.



Mas mataas ito sa $80 kada bariles na threshold para sa pagsususpinde ng excise tax.

Nabatid na ang suspensyon ay inirekomenda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), katuwang ang Department of Energy (DOE).



Sinasabing susuriin naman ng DBCC at DOE ang implementasyon nito kada buwan.

Awtomatikong babalik ang dating excise tax rate kapag bumaba sa ilalim ng $80 kada bariles ang average Dubai crude price o makalipas ang tatlong buwan, alinman ang mauna.



Agad na magkakabisa ang EO matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)