Advertisers
INAPRUBAHAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang fare hike sa mga jeepney na una nang sinuspinde noong Marso.
Sinabi ni acting LTFRB Chairman Greg Pua, P1 ang idadagdag sa minimum fare ng traditional jeepney, habang P2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Dahil dito, simula sa Lunes, Setyembre 28 magiging P14 mula sa dating P13 ang minimum fare sa unang apat na kilometro ng traditional jeepney, habang P2 mula sa P1.80 ang bayad sa bawat succeeding kilometer.
Para naman sa modern jeepney, magiging P17 mula sa P15 ang minimum fare sa unang apat na kilometro, habang P2.40 mula sa P2.20 ang bayad sa bawat susunod na kilometro.