Advertisers

Advertisers

Kaligayahan Niyang Makatulong Sa Mga Senior! Rozz Daniels, Dinudumog Ng Mga Lola At Lolo Sa Kanyang Mga Mall Show; Famous Salon Guro Monet Lu At Ruffa Gutierrez 37 Years Na Ang Friendship!

0 2

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Aside sa kanyang mga solo birit number na pinalakpakan talaga sa bawat mall show, na ginagawa. Bentang-benta rin sa crowd ng “Pop Rock Diva” at “Revival Queen” na si Rozz Daniels ang kanyang pakontes na “Bulong Ng Damdamin, Sing-Along with Rozz Daniels.”

At ang mga pinipiling contestant ni Rozz, ay mga nanay at tatay na ang tatanghaling winner ay pinagkakalooban ni Rozz ng P1K plus her personalized t-shirt. Bale 500 each naman sa lahat ng mga talo. Then highlight rin ng mall show ng sumisikat naming alaga(Rozz) ang segment, kung saan tatawag siya ng mga lola at lolo sa stage at kakantahan ni Rozz along with her both pretty nieces Kharen Torregosa and Analyn Torregosa ng original christmas song nitong “My One Love On Christmas Day,” na composed ni Doc Mon del Rosario. Sobrang heartwarming panoorin si Rozz kasama ang mga elders na lahat ay binibigyan niya ng Ayuda para pambili ng pagkain at gamot ng mga ito. At para kay Rozz, ay masarap sa pakiramdam at masaya siyang nakatutulong at suportado siya rito ng american hubby na si Sir David Daniels. Malapit sa puso ni Rozz ang mga elders lalo’t pareho na siyang ulila sa magulang at wala na rin siyang lola at lolo. Kaya anumang bleasings na meron sila ni Sir David ay kanilang sine-share.



Hindi pala napigilang maluha ni Rozz sa recent successful mall show niya sa Victory Plaza Monumento, Caloocan last October 20. Halos matanggal ang kanyang contact lens habang kinakantahan nga ang ating mga senior citizens. Mas lalong naging emotional si Rozz nang tawagin niya sa stage ang kanyang tiyahin na sister ng kanyang mother at ito pala ang nag-alaga sa kanya. Malaki ang pasasalamat kay Rozz ng Tita niyang ito sa suporta at mga tulong na ibinibigay niya rito. Naka-duet pa lang pareho ni Rozz ang gwapo at talented rin na mga pamangkin na si Shiharu Torregosa-Saito at Brandon Torregosa. Also ang gwaping na pianist na si Richael Torregosa at ang pretty and classy na rocker rin ang dating na electric guitarist na si Abby Torregosa-Larena.

Ilan pa sa Torregosa clan, na mga nag-perform ay si Monica Torregosa(my lovely co-host), Ruru Torregosa and Yanie Torregosa, Torregosa Ladies(back-up dancers ni Rozz), mga cute na Dynasty Dancers, at ang TALA Group. By the way, this October ay pahinga muna sa kanyang mall tour si Rozz at ang kanyang team sa R&D Entertainment Production nila ng hubby si Sir David Daniels.



Magre-resume, sa November 28 ang another exciting mall show ni Rozz, at gaganapin ito sa Activity Center ng ALI MALL sa Araneta, City from 3:00 PM to 6:00 PM. Siyempre pipili na naman si Rozz ng mga bibigyan niya ng early christmas cash gifts. Mamimigay rin si Rozz ng kanyang personalized t-shirt, poster, at brand new cellphone sa lucky audience sa araw ng kanyang mall show.

***



Noong tumira sa amerika ang veteran showbiz couple na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, kasama ng kanilang mga anak. Naging close kina Tita Annabelle at Tito Eddie ang kaibigan naming Salon Guro na si Monet Lu, na owner ng decades ng MONET LU SALON, sa California, USA. At maliban sa Gutirrez couple ay naging malapit rin si Monet sa kambal na sina Richard at Raymond especially to our 1993 2nd-runner Miss World Ruffa Gutierrez.

At sa latest post ni Monet sa kanyang social media account ay may caption itong 37 years, na ang friendship nila ni Ruffa, “I have known this woman since she was 15 years old but there are some things that never change, her beauty and her goodness.”
Until now, ay supportive sa isa’t-isa sina Monet at Ruffa. At kapag may raket na hosting sa International Beauty Pageant o kailangan ng celebrity guest ay si Ruffa ang kinukuha at nirerekomenda ni Monet. Patuloy rin pa lang dinudumog ng kanyang mga old and new clients ang salon ni Monet Lu, na 80’s nang magsimulang mag-operate.