Advertisers

Advertisers

MAYOR, 11 PA SWAK SA KASONG TERORISMO

0 6

Advertisers

NAGLABAS ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) Branch 1 sa Iligan City laban kay Datu Unsay Mayor Datu Andal Ampatuan V alyas “Xyril”, at 11 iba pa kaugnay ng umano’y pagpaplano sa ambush laban sa alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong Enero.
Kabilang sa mga inisyuhan ng arresst warrant sina Ababang Salik, Edad Pendatun, Aboher Guimbangan, Torai-pie Lusod, Gapor Magaluyan, Mohammad Shamron Uday Sapalon, Samsudin Mokamad, Saudi Guiapal, Johari Guiapal, Soy Kali at Datuben Gayon.
Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang pag-atake laban sa convoy ni Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, Sr. sa isang barangay sa nasabing bayan.
Nakuhanan ng security cameras ang mga suspek habang pinupuntirya ang itim na bullet-proof SUV ng alkalde gamit ang B40 anti-tank rocket.
Apat sa mga kasama ni Akmad ang nagtamo ng mga pasa at mabababaw na sugat sa pagsabog, habang napinsala rin ang kanilang sasak-yan.
Bukod sa paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act No. 11479), nahaharap din ang mga akusado sa mga kasong multiple frustrated murder.
Si Mayor Xyril ay kasalukuyang nasa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng Datu Unsay.
Ang sentro ng Datu Unsay ay tinatayang isang kilometro lamang mula sa bayan ng Shariff Aguak.
Ang RTC Branch 1 sa Iligan City ay kabilang sa mga korte sa Mindanao na humahawak sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Terrorism Act.
Si Xyril ay anak ni dating Datu Unsay Mayor Datu Andal Ampatuan Jr., na nahatulan dahil sa direktang pagkakasangkot sa pagpaslang sa 58 katao noong Nobyembre 23, 2009, kabilang ang mahi-git 20 mamamahayag, sa Ampatuan, Maguindanao.
Ang insidente ay nakilala bilang Maguindanao massacre.
Samantala, sina Akmad at ang mga Ampatuan sa Datu Unsay, gayundin ang kanilang mga kamag-anak sa Mamasapano, Shariff Saydona Mustapha at Datu Hoffer, ay magkakamag-anak ngunit sinasabing may matinding alitang pulitikal.