Advertisers

Advertisers

Marcos nagdeklara ng holiday sa 5 bayan

0 5

Advertisers

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga special non-working days sa limang munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan upang bigyang-daan ang mga residente na makilahok sa kanilang mga lokal na pagdiriwang.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1450, idineklarang special non-working day ang Setyembre 28 sa Luna, Isabela, bilang pagdiriwang ng ika-77 founding anniversary nito.

Samantala, Setyembre 29 naman ang special non-working day sa Argao, Cebu, para sa pagdiriwang ng Araw ng Argao, alinsunod sa Proclamation No. 1451.



Sa Proclamation No. 1452, idineklarang special non-working day ang Oktubre 1 sa Aborlan, Palawan, kaugnay ng kanilang town fiesta.

Idineklara ring holiday ang Oktubre 2 sa Solano, Nueva Vizcaya, para sa pagdiriwang ng Solano Day, sa ilalim ng Proclamation No. 1453.



Samantala, sa Proclamation No. 1454, walang pasok sa Oktubre 5 sa Santa Cruz, Davao del Sur, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-142 founding anniversary ng bayan.

Ayon sa mga proklamasyon, layunin ng mga special non-working day na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makibahagi at makiisa sa mga aktibidad ng kani-kanilang lokal na pagdiriwang.



Nabatid na nilagdaan ang limang proklamasyon noong Setyembre 24 ni Executive Secretary Ralph Recto, sa ilalim ng awtoridad ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)