Advertisers
IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga awtoridad na buwagin ang community-based criminal groups, kabilang ang grupong kilala bilang True Brown Style (TBS) na umano’y nagre-recruit ng mga menor de edad para sa mga kriminal na aktibidad, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sa panayam, sinabi ni Remulla na karamihan sa mga miyembro ng TBS ay edad 18 hanggang 20, at nanghihikayat pa ng mga edad 14 hanggang 15 anyos.
Kabilang sa umano’y initiation rites ng grupo ay ang pagnanakaw sa mga convenience store.
“There is a group called TBS, True Brown Style. That is our next focus of our attention. We are going to dismantle this syndicate. It’s a community-based syndicate of 20 year-olds who are grooming children as young as 14 and 15 to become criminals,” sabi ni Remulla.
Lubhang nakakaalarma aniya ang mg aktibidad ng grupo.
Nagmula sa Estados Unidos ang grupong ito 35 taon na ang nakalilipas at nakarating na sa Pilipinas.
“Now, they’re organizing in communities. So we are studying its command structure and we will be making the necessary steps to prevent the spread of TBS. We are going to dismantle it before it becomes larger,” ani Remulla.