Advertisers

Advertisers

Dizon, Lopez mananatili muna sa kanilang pwesto; appointment ipapasa sa CA

0 32

Advertisers

MANANATILI muna sa kanilang mga puwesto sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez matapos palawigin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang appointment.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, hindi pa agad isusumite sa Commission on Appointments (CA) ang appointment ng dalawang kalihim.

Sinabi ni Recto na ipapadala rin sa CA ang kanilang appointments “at the appropriate time.”



“Darating din tayo diyan, but for now the President extended the appointment of these two Cabinet members,” ani Recto.

Samantala, patuloy na ginagampanan ni Dizon ang kanyang tungkulin sa DPWH, kabilang ang mga isyung may kinalaman sa mga proyekto ng ahensya.



Wala pang inilalabas na tiyak na petsa kung kailan isusumite sa CA ang kanilang appointments. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">