Advertisers

Advertisers

DepEd, nirerebyu ang P938K sobrang bayad sa Senior High School vouchers

0 32

Advertisers

NIRE-REVIEW ng Department of Education (DepEd) ang tinatayang Php 938,000 na overpayment sa ilalim ng Senior High School Voucher Program, matapos matukoy ng Commission on Audit (COA) ang 58 benepisyaryong hindi ma-verify ang eligibility.

Kabilang sa mga na-flag ang mga learner na nag-drop out, lumipat ng paaralan, o pumanaw na.

Sinabi ng DepEd, isinagawa na ng Private Education Assistance Committee (PEAC) ang year-end validation para sa School Year 2025-2026 bilang bahagi ng limang antas ng pagsusuri sa mga benepisyaryo.



Kapag nakumpirma ang mga overpayment, sinabi ng ahensya na sisingilin at babawiin ang pondong nailabas ng gobyerno.

Mas pinaigting din umano ang validation, billing, refund at accountability measures.



Patuloy naman ang monitoring ng Government Assistance and Subsidies Service o GASS sa mga pribadong paaralang kasali sa programa.

Samantala, sinabi ng kagawaran na may mga nauna na rin itong isinampang kaso kaugnay ng iregularidad sa voucher program.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">