Advertisers
Hinimok ng Malacañang si dating House Speaker Lord Allan Velasco na magpaliwanag sa mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa umano’y pagpapadala ng malaking halaga kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, mas mabuting harapin ni Velasco ang mga pahayag ng dati niyang security aide na si Rodulfo Gracioso.
Aniya, mismong si Velasco ang makapagbibigay-linaw at makapagtatanggol sa kanyang pangalan at sa kanyang asawa.
Sinabi rin ni Castro na mahirap malaman kung nagbabakasyon lamang o may ibang dahilan ang pag-alis ni Velasco ng bansa habang iniimbestigahan ang isyu.
Giit ng Palasyo, kung walang batayan ang mga alegasyon, mas makabubuting bumalik si Velasco sa Pilipinas at personal na magpaliwanag sa imbestigasyon. (Gilbert Perdez)