Advertisers
SA October 5, magtatapos ang isang buwan ng pagkilala sa ating mga guro bilang ‘National Teachers’ Month. At ito ay inunahan na ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) nitong katapusan ng September ng isang dinner recognition night para sa ating mga guro, sa Manila Hotel pa.
Nararapat lang naman, kilala in ang kabayanihan ng ating mga guro. Mula sa ating pagkabata naman kasi, ay kasa-kasama na silang nagpalaki sa atin. Hinuhubog tayo lalo na ang ating mga kabataan na maging maayos, matalino, at mapagmahal sa bayan na mamamayan.
Noong araw, sabi ng aking mga naging guro, mahirap ang maging isang teacher. At kahit naman sa ngayon, yun ngang naging mga teacher ng aking mga anak ay naangal din sa kanilang kalagayan.
Naalala niyo ba, noong tayo ay nasa elementary o’ high school na, may mga teacher tayong nagtitinda. Kahit ano, inaalok sa kanilang mga estudyante, makakuha lamang ng pang dagdag kabuhayan.
Pero, tingin ko naman, may pagbabago na, lalo na sa ilalim ng PBBM Administration. Dangan kasi, nabalitaan ko na ang Expanded Career Progression (ECP) System, ng Department of Education, 93,000 ng ating mga teachers at school heads ay na promoted na.
Kasama rito ang pag-improved din ng kanilang mga working conditions ika nga. At sa ilalim naman ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, mayroon na ang ating mga guro ng ‘non-taxable’, annual teaching allowance na dumoble na mula sa P5,000 ay P10,000 na. At meron pa, nakatatanggap na rin sila ng annual medical allowance na P7,000.
Meron din limang araw na ‘paid annual wellness leave’ Libyan pa sa expanded Vacation Service Credits na tatlumpo kada taon.
Isang pagkilala rin ni PBBM sa ating mga teacher ay ang pagdalo niya sa pagbibigay ng Medallion of Excellence sa 2026 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos. Isa ang mga Ilan teacher na pinarangalan sa event na yan.
Kung ako nga din, ay may paraan din, gagawa rin ako ng award para bigay sa ating mga guro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, pagsisikap at pasensiya sa ating mga mag-aaral na kanilang inaangat ang kaalaman upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan.
Mabuhay ang ating mga guro!