Advertisers
IBINASURA ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari na inihain nina Atty. Valeriano S. Loon at Atty. Zigfred M. Diaz na nagkukuwestiyon sa ginanap na session ng Senado noong Hunyo 3.
Ayon sa kataas-taasang hukuman, nagdesisyon at kumilos ang Senado nang ayon sa mga umiiral na sitwasyon, naaangkop na batas, at prevailing jurisprudence sa bansa.
Matatandaang noong Hunyo 3, 2026, nabasag ang legislative deadlock sa kapulungan nang dumalo si Senador Francis “Chiz” Escudero, kasama ang minority bloc upang mabuo ang 12-member quorum sa plenary hall.
Dahil sa naturang hakbang, matagumpay na naihalal bilang Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian habang pormal namang napalitan sa puwesto si Sen. Alan Peter Cayetano.