Advertisers

Advertisers

Xyriel, inspirasyon ang napanalunang award

0 24

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Marami nang acting awards na napalunanan si Xyriel Manabat bilang child actress.

Gayunpaman, espesyal daw para sa kanya ang pagwawagi niyang best actress sa ika-3 edisyon ng Puregold CinePanalo Film Festival para sa pelikulang “Stuck on You” sa full length film category.



“Ito po kasi ang first acting award ko as an adult,” aniya.”So, happy po ako tapos sa isa pang film festival ako nanalo,”dugtong niya.

Hirit pa niya, inspirasyon daw para sa kanya ang tropeong naiuwi sa idinaos na CinePanalo awards night sa Atmos Cinema sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City kamakailan.



“It’s a validation po para sa akin para pagbutihin po ang acting ko,”bulalas niya.

Sey pa niya, hindi raw siya nag-eexpect na mananalo nang dumalo siya ng gabi ng parangal.



“Iyon pong ma-nominate po ako ay malaking bagay na. Iyon naman pong mag-win ako ay bonus na,”pahayag niya.

Deklara pa niya, ibinabahagi raw niya ang kanyang best actress award sa co-nominee na si Sassa Gurl na nominado naman para sa pelikulang “Multwoh(Patay na Patay Sa’yo).

“Magaling din po si Sassa at marami pong magandang feedback sa movie nila,”hirit niya.

Sa 2026 CinePanalo Film Festival awards, wagi rin si JK Labajo bilang best actor para sa obrang “Mono No Aware.”

Kinilala namang best supporting actor si Zanjoe Marudo para sa coming-of-age movie na “Apol of My Ai” samantalang nakopo naman ng Japanese actress na si Momoko Kobayashi ang best supporting actress award para sa “Mono No Aware.”

Best Child Performer naman si Zion Cruz ng “Apol of My Ai.”

Tinanghal na best picture ang “Mono No Aware” samantalang binigyan ng Jury Prize ang “Apol of My Ai.”

Bukod sa International Jury Prize, wagi rin ang Mono No Aware ng best director award para kay BC Amparado,Best Ensemble, Best Cinematography para kay TM Malones, Best Editing para kay Edmund Telmo, at Best Sound Design para kay Willie Apa Jr.

Sa Student Shorts Category naman, naging dikit ang laban ng “Limlim” at “Kun Hain, Bisan Diin.” Lalong naging kapana-panabik ang tunggalian nang kapwa tanghaling best director sina Samantha Palaje para sa “Limlim” at Jomarie Corro-Reyes para sa “Kun Hain, Bisan Diin.”

Parehong nagtapos ang dalawang pelikula na may tig-aapat na parangal, ngunit naiuwi ng “Limlim” ang pinakamataas na karangalan bilang best student short film.