Advertisers

Advertisers

91 baril pa ni Sen. Bato habol ng PNP

0 32

Advertisers

HUMILING ng ‘reconsideration’ ang kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagbawi ng pulisya sa mga lisensya at rehistro ng kanyang mga armas, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.
Ayon kay PNP Civil Security Group Director, Major General Aden Lagradante, 26 lamang sa 117 armas na nakarehistro kay Dela Rosa ang naisuko sa ngayon.
Mayroon pa aniyang 91 armas na hindi naisusuko, habang patuloy ang koordinasyon ng PNP sa legal officer ni Dela Rosa.
“By our rules, dapat ma-surrender. But ang last na information, on the process of accounting doon sa mga remaining firearms,” ani Lagradante.
“Actually they are for the reconsideration doon sa letter nila sa FEO,” dagdag niya.
Binawi ng PNP ang License to Own and Possess Firearms at rehistrasyon ng 117 firearms ni Dela Rosa noong Mayo.
Nang tanungin kung maaaring maharap si Dela Rosa sa kasong ilegal na pagmamay-ari ng armas kaugnay ng mga hindi pa natutunton na armas, sinabi ni Lag-radante na kasalukuyang nasa ilalim ng administrative revocation ang lisensya ng senador.