Advertisers
Ano mas mabigat na rekord? Yung walong titulo sa iba’t ibang division ni Manny Pacquiao o yung 50 na panalo at walang talo ni Floyd Mayweather Jr?
Ano ba mas mahirap gawin? Yung maging kampeon sa walang weight category o yung malinis na record sa tapwe na laban.
Yun bang maging hari sa flyweight (WBC 1998), bantamweight (IBF 2001), featherweight (The Ring 2003), junior lightweight (The Ring 2008), lightweight ( WBC 2008), junior welterweight ( The Ring 2009), welterweight ( WBO 2009) at junior middkewight (WBC 2010). O yung talunin ang lahat ng makaharap mula 1996 sa singkwentang fight na walang pang draw at 27 via KO.
Eka ni Tata Selo ay higit na matindi ang kay Pretty Boy dahil isinama niya ang pambansang kamao sa kanyang mga biktima taong 2015 via unanimous decision.
62W-8L-3D lang ang pwedeng ipagmalaki ng anak ni Aling Dionesia.
Nguni’t para kay Mang Tomas mas kahanga-hanga ang nagawa ng asawa ni Jinkee kaysa ang accomplishment ni Floyd Jr. Napakalaking adjustment daw ang mag-umpisa sa 106 lbs, magkampeon una sa 112 at maging hari sa 154 lbs. Posibleng bumagal ka o humina ang suntok pag bumibigat.
Pambihirang boksingero may kaya niyan. Wala pang ganyan naging parehong karera sa boksing.
Kayo, ano sa palagay ninyo?
***
5 kontra sa 1. Ganire naman ang nagaganap kina Jeannie Buss at mga kapatid. Kinukuwestiyon kasi ng mga utol ni Jeannie ang pagbebenta ng mana nila sa amang si Jerry, ang matagal na may-ari ng LA Lakers.
Umabot na ang sigalor sa korte.
Away pamilya. Pangkaraniwan sa mga ari-arian na naiwan ng mga magulang sa mga anak.
***
Habang tumatagal ay lumalabo na bumalik pa si Justine Brownlee sa Ginebra San Miguel.
Ayon sa ating ibang pipit ay lumalala ang hidwaan ng kampo ni Brownlee at ng management ng GinKings.
Walang malinaw na update galing sa magkabilang panig.
Kaso pati ang Gilas Pilipinas apektado sa gusot.
***
Sigurado mapupuno ang 52,000 seater Philippine Arena sa ika-8 ng Disyembre para sa Alex Eala Live : Game. Set. Celebrate.
Makakalaban ng ating tennis sensation si Janice Tjen ng Indonesia. May mga friendly match din sina Manny Pacquiao, Anne Curtis, Piolo Pascual, Andrea Brillamtes, Donny Pangilinan at Julia Barretto. Tara nood tayo.