Advertisers

Advertisers

AKSIYON NG COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY SA WRIT OF EXECUTION VS. DARBC EXECS, INAABANGAN

0 29

Advertisers

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang mga tanong ng ilang miyembro ng Dolefil Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DARBC) sa Polomolok, South Cotabato.

Ito’y kaugnay ng writ of execution na inilabas ng Cooperative Development Authority (CDA) noong Pebrero 24, 2026.

Aba’y ang nais nilang malaman ay kung ano na ang kasalukuyang estado ng kautusan at kung kailan ito maipatutupad.



Sinasabing may usapin na ring umabot sa Court of Appeals (CA), kaya mahalagang malinawan kung may epekto ito sa pagpapatupad ng naunang desisyon ng CDA.

Hindi naman nangangahulugang dahil may kasong nakabinbin sa CA ay awtomatiko nang natitigil ang lahat ng proseso.



Nakasalalay ito sa mismong kautusan ng korte at sa saklaw ng ipinagkaloob nitong injunction.

Dahil dito, nararapat lamang na magsalita ang CDA at ipaliwanag ang legal na katayuan ng writ of execution.



Kung maaari na itong ipatupad, dapat malinaw kung ano ang mga susunod na hakbang ukol dito.

Kung may pumipigil naman sa implementasyon nito, kailangang ipaliwanag din kung bakit.

Sa totoo lang, hindi dapat nakabitin sa kawalan ng impormasyon ang mga miyembro ng kooperatiba.

May karapatan silang malaman ang kalagayan ng usapin, lalo na kung apektado ang kanilang membership rights.

Kasabay nito, dapat ding mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng panig na maipaliwanag ang kanilang posisyon.

Ang anumang alegasyon ay kailangan ding suportahan ng mga dokumento at dumaan sa tamang proseso.

Ang panawagan, kung gayon, ay para sa malinaw na sagot at agarang aksiyon mula sa CDA, alinsunod sa batas at sa mga umiiral na kautusan ng korte.

Kung may bahagi ng desisyon na maaari nang ipatupad, nararapat na isagawa ito.

Kung may legal na hadlang, dapat itong ipaliwanag sa mga miyembro ng samahan nang walang kalituhan.

Malinaw naman na hindi lamang ito usapin ng mga opisyal at nagrereklamong miyembro.

Nariyan din ang mga ordinaryong kasapi na umaasang mapangangalagaan ang kanilang mga karapatan at magiging maayos ang pamamahala sa kanilang kooperatiba.

Kaya sa CDA, panahon na para linawin ang status ng writ of execution at sabihin kung ano na ang status nito.

Ang kailangan ng mga miyembro ay malinaw na sagot, patas na proseso at pagpapatupad ng batas.

Samantala, bukas naman ang kolum na ito sa panig ng CDA, ng mga opisyal ng DARBC, at ng iba pang sangkot sa usaping ito upang maipahayag nila ang kanilang panig at maibigay ang kaukulang paglilinaw hinggil dito.

***

Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.