Advertisers
LABINGDALAWA (12) katao ang nasawi at mahi-git 300 ang nasugatan sa pinakahuling pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon sa mga awtoridad ng civil aviation nitong Linggo.
Ayon sa Saudi-led coalition, ang mga rebeldeng Houthi na suportado ng Iran ang nasa likod ng pag-atake.
Tinamaan ng missile ang bahagi ng airport complex na kinaroroonan ng Terminals 3 at 4 para sa mga domestic flight.
Kabilang sa mga nasawi ang mga mamamayan ng Saudi Arabia, Bangladesh, Palestine, United States, Egypt, Jordan, Syria at Sudan.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na pinag-iisipan na niyang gumanti sa atake ng Houthi.