Advertisers

Advertisers

Magkakaibigan patay sa pamamaril sa Quezon City

0 33

Advertisers

NASAWI ang tatlong magkakaibigan, kabilang ang isang menor de edad, nang pagbabarilin sa Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.
Naganap ang pamamaril 2:00 ng umaga sa kanto ng Senatorial Street at Batasan-San Mateo Road.
Sa isinagawang follow-up operation ng Batasan Police Station 6, naaresto ang 38-anyos na suspek na kinilalang si alyas “Vin”, 3:00 ng ma-daling-araw sa Sinagtala Street, Barangay Batasan Hills.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamong kriminal na isasampa laban sa kaniya sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Almar Danguilan)