Advertisers

Advertisers

P278m shabu huli sa Cebu

0 31

Advertisers

NASA 41 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P278.8 milyon, ang nasamsam mula sa isang indibidwal sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 (PDEA 7), katuwang ang Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operating Unit, Naval Forces Central, at Cebu City Police Office Station 4, sa Arca Street, Barangay Mabolo, Cebu City, 7:18 ng umaga ng Oktubre 10, 2026.
Ang operasyon ang itinuturing na pinakamalaking huli ng droga sa Central Visayas mula 2016.
Tinukoy ni PDEA 7 Regional Director, Joel B. Plaza, ang naarestong si alyas “Erwin”, 30 anyos, motor taxi driver at residente ng Barangay Basak Pardo, Cebu City.
Nasamsam sa operasyon ang 41 vacuum-sealed plastic pack na naglalaman ng shabu na may timbang na humigit-kumulang 41,000 gramo, isang cellphone, isang sasakyan, at iba pang ebidensya.
Ang mga ebidensyang droga ay dinala na sa laboratoryo ng PDEA 7 sa Lahug, Cebu City para sa kustodiya.(Alex Mendoza)