Advertisers

Advertisers

Baboy na ama!…Anak at apo ginawang parausan

0 29

Advertisers

ARESTADO sa isinagawang operasyon ang isang 60-anyos na tatay na sangkot sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang sariling anak at apo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Huwebes, Oktubre 8.
Ayon sa pulisya, kabilang sa mga kasong kinahaharap ng suspek ang rape, rape by     sexual assault, qualified     statutory rape, acts of lasciviousness, at paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Walang inirekomendang piyansa para sa mga kasong rape at qualified statutory rape.
Umabot umano ng 11 taon ang pang-aabuso ng ama sa kaniyang anak na babae, na nagsimula 10 taon gulang pa lamang ang biktima at nagpa-tuloy hanggang Mayo 2026.
Inakusahan din ang ama ng panggagahasa at seksuwal na pang-aabuso sa kaniyang apo, na 11 taon gulang umano nang magsimula ang mga insidente mula 2022 hanggang 2025.
Dahil sa umano’y mga pagbabanta ng ama na huwag magsasabi sa sinuman, nanatiling lihim sa mahabang panahon ang sinapit ng dalawang biktima.
Gayunman, matapos ang huling insidente noong Mayo 2026 nang hindi na umano nakayanan ng anak ang trauma, nagsumbong ito sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Agad na sinundo ng nakatatandang kapatid ang da-lawang biktima mula sa Nueva Ecija at dinala sa Women and Children Complaints Unit (WCCU) ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame upang    humi-ngi ng tulong.
Noong Hunyo 3, 2026, naghain ang CIDG-WCCU ng mga reklamong kriminal sa Tanggapan ng Piskal sa Cabanatuan City.
Naglabas ang korte ng 11 warrant of arrest laban sa ama ng Oktubre 7.
Nadakip ang ama sa isinagawang manhunt operation ng CIDG-WCCU at CIDG Nueva Ecija Provincial Field Unit kinabukasan, Oktubre 8, dakong 10:16 ng umaga sa Cabanatuan City.