Advertisers
PATAY na nang matagpuan ang isang padre de pa-milya na nagtamo ngmaraming saksak sa katawan sa loob ng kanilang bahay sa Bagong Silangan, Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Ca-vite, Linggo ng umaga, October 11, 2026.
Kinilala ang biktima na si alyas “Manuel”, 57-anyos, habang ang mga suspek ay ang kanyang misis na si alyas “Marlyn”, 62; at tatlong mga anak na sina alyas “Marlon”, 38; alyas “Candy”, 33; at si alyas “Margie”, 24, mga residente sa nabanggit na lugar.
Base sa ginawang pag-iimbestiga ng Bacoor Component City Police Station, ma-dalas magtalo ang biktima at ang kanyang misis. Bago mangyari ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.
Isang testigo na si alyas “Joe”, 42, na kapitbahay ng pamilya ang nakarinig ng komosyon at mga tunog ng pananapak. Nang silipin ng testigo ang loob ng bahay, nakita niya na nakahandusay sa kama ang mister, duguan ang mukha at katawan.
Nagbabala umano sa kanya ang mga salarin na: “Wala kang nakita!”. Dahilan para hindi muna siya magsalita dahil sa takot. Nakita din ng ilan pang testigo ang misis ng biktima na naglaba ng damit na may bahid ng dugo.
Agad kumilos ang mga awtoridad at inaresto ang apat na mag-iina, na nakakulong ngayon sa Bacoor City Police, at nakatakdang sampahan ng kasong Paricide.(Koi Laura)