Advertisers

Advertisers

MAGDAMAGANG SUGAL SA BANSUD ORIENTAL MINDORO NAKATIMBRE UMANO KAY HEPE, CIDG AT PD ?

0 30

Advertisers

Malaking hamon sa liderato ni Oriental Mindoro Provincial Director PCol Efraim Camara ang inu-umagang sugal tulad ng “pingpong, drop ball baraha at color games” na hindi bababa sa 10-lamesa sa loob ng Peryahan ni alyas Che sa bayan mismo ni Bansud Mayor Ronie Morada at hurisdiksyon ni Bansud COP PMaj Michael Rivera.

Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng pagkakatalaga kay Col. Camara bilang kapalit ni Col Edison Revita, kung saan hinika­yat ang hanay ng kapulisan na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni PNP Chief, Jose Melencio Nartatez Jr at Interior Secretary Jonvic Remulla.

Subalit sa kabila ng direktiba ni Nartatez na ‘No Take Policy’ may mga ulat at impormasyon pa rin na patuloy na namamayagpag ang operasyon ng illegal gambling tulad ng illegal numbers game na jueteng, pingpong, color games at drop ball baraha na front ay tradisyunal na mga Peryahan na pulos sugal na laganap at naglipana ngayong bermonths sa bayan ng Bansud, Victoria, Roxas, Pola, Pinamalayan, Bulalacao, Mansalay, Bongabong, Gloria, Socorro, Naujan, San Teodoro, Baco, Puerto Galera, at Calapan City, Oriental Mindoro.



Maliban pa rito, laganap na rin umano ang nakawan, patayan at ilegal na droga at ang diumano’y bentahan ng droga sa loob ng mga peryahan.

Nakilala natin si Col Camara noong naging hepe ito ng Calapan City na tapat sa kaniyang tungkulin, hardworking, disciplinarian at may kamay na bakal.



Umaasa ako na ang husay na ipinakita mo Col Camara Sir sa serbisyo sa Oriental Mindoro Police Provincial Office ay hindi magbabago.

Sana maaksyunan mo ang mga salot na ilegal na pasugalan na matagal ng problema ng mamamayang mindoreño upang hindi kayo magamit ng mga tiwaling pulis na siyang hamon ngayon sa liderato mo sa kasalukuyan.



May kasunod pa ito, pramis!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com