Advertisers
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroon silang hawak na ebidensya na nagtuturo sa koneksyon ng mga Duterte at ni Sultan Edrieza Nasser Rimbang na pinangalanan na umano’y financier ng P3.5 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa airport sa Laos.
Giit ni Remulla, matagal nang magkakilala at magkaalyado sa politika sina dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Rimbang.
Nagtataka si Remulla kung bakit hindi nasama sa listahan ng mga target ng ‘Oplan Tokhang’ noong panahon ni Duterte si Rimbang lalo na kung matagal na itong pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Mismo!
“They have been political allies for the longest time. Ang pinagtataka ko lang kung bakit noong drug war, hindi kasama si Rimbang sa watchlist. Kung known drug element na siya dati pa. So, those are questions we have to ask,” pagtataka ni Remulla.
Posible aniya na hindi isinama si Rimbang sa listahan dahil sa kaalyado ito ni Duterte at tanging mga kalaban lamang sa politika ang pinuntirya ng nakaraang administrasyon. Mismo!
“Magtataka ka kung bakit ang tao na katulad na si Jed Mabilog na kasama namin ngayon, who has totally no involvement in drugs, nilagay sa watchlist,” aniya.
Matatandaan na maraming mayor ang itinumba sa war on drugs ng Duterte administration. Kabilang dito sina Antonio Halili ng Tanuan, Batangas (July 2018); Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte (Nov. 2016); Reynaldo Parojinog ng Ozamis City (July 2017); Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao (Oct. 2016); Mariano Blanco ng Ronda, Cebu (Sept. 2018); David Navaro ng Clarin, Msamis Occ. (Oct. 2019); at Alexander Buquing ng Sudipen, La Union (Oct. 2018).
Ayon sa datus, 28 mayors at vice mayors ang pinatay sa war on drugs ng Duterte administration.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpatay sa mga tinaguriang narco politicians, buhay na buhay at nakadikit kay Digong ang mga Chinese national na tinaguriang drug lords tulad nina Michael Yang, Sammy Uy, Charlie Tan, Peter Lim, at marami pa. Ang mga Intsik na ito ay biglang naglaho nang matapos ang termino ni Digong.
Marami ring Chinese drug lords na nakakulong noon sa National Bilibid Prison (NBP) ang pinalaya lalo nang si ngayo’y wanted Senator “Bato” dela Rosa ang direktor ng Bureau of Correction (BuCor).
Sinabi tuloy ni dating Senador Antonio Trillanes na ang war on drugs ni Digong ay “peke”, pinatay lamang ang mga kalaban sa politika at kalabang sindikato ng droga. Mismo!
Maging ang mga dating “hitman” ni Digong sa Davao Death Squad (DDS) na sina Arturo Lascanas at Edgar Matobato ay nag-testify na si Digong ang lord ng drug lords sa Davao City.
Si Digong ay higit isang taon na ngayon nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netharlands. Nahaharap siya sa kasong crimes against humanity. Co-perpetrator si Sen. Bato kaya nagtatago ito ngayon dahil sa ICC arrest warrant.