Advertisers

Advertisers

AYUDA NG MGA SENIOR CITIZEN AT PWD SA MAYNILA, ATRASADO

0 83

Advertisers

Delay at ATRASADO ng masyado ang ayuda ng mga senior citizen at PWD sa lungsod ng Maynila.

Ito ang inihayag ng mga nakakatanda at mga PWD sa nasabing lungsod.

Sinabi nila na halos Isang buwan ng atrasado ang kanilang quarterly allowance na nagka-kahalaga ng P1,500.



Dapat daw na naibigay na ito bago matapos ang buwan ng Septiyembre ngunit wala pa rin daw gayong magtatapos na ang buwan ng Oktubre.

Mantakin niyong P500 na lang kada buwan ang aming tinatanggap ngunit nauudlot pa.



Akala pa naman namin ay paborito kami ni Yorme ngunit para bagang nakakalimot na.

Kung tutuusin lang anila ay pambili lang ng aming gamot at maintenance ang aming natatanggap at natitigil pa.



Titipirin na lang daw nila ang sariling kalusugan at hihintayin na Lang ang bigayan ng ayuda bago umano ang katapusan ng Oktubre.

Sa kabilang dako naman, naiintindiihan naman daw ni Yorme ang kanilang kalagayan kung kaya’t lahat ng paraan ay kanilang gina-gawa.

Pilit daw kasi nilang hina-hanol ang nasaid na kaban ng lungsod na iniwan ng lumipas na administrasyon.

Pero don’t you worry daw sabi ni Yorme dahil life is full of surprise, rest addured na babawian ko kayo at all cost.

Wala naman daw problema sani ng mga senior na buo pa rin ang tiwala sa iyong administrasyon.

Ang kinakatakot lang daw nila ay baka sa Enero 2027 mo na ibigay ang last quarter allowance nila.

Huwag naman daw sana dahil wala na silang paggagamitan ng pera dahil hindi na ito uso he… he… he…