Advertisers

Advertisers

COL. CAMARA AT GEN. DELA CRUZ, KINALAMPAG SA TALAMAK NA NAKAWAN AT ILEGAL NA SUGAL NG MGA MANANAMPALATAYA AT DEBOTO SA MINDORO

0 31

Advertisers

Nakaaalarma ang mga ulat ng nakawan at akyat-bahay sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro na nagdudulot ng pangamba sa kaligtasan ng mga residente at seguridad ng kanilang mga ari-arian.

Dahil diyan, kaya nananawagan ang mamamayang mindorenyo sa kapulisan na paigtingin ang “police visibility”, at magsagawa ng masusing imbestigasyon, at tiyaking mapapanagot sa batas ang mga sangkot sa nakawan. Hiniling din nila kay Oriental Mindoro Provincial Ditector PCOL EFRAIM CAMARA at PRO4B Regional Director PBGEN CHRISTOPHER DELA CRUZ ang agarang aksyon upang mapigilan ang mga insidente ng nakawan upang maibalik ang kapanatagan ng mga mamamayan.

Samantala hindi lang nakawan ang talamak ngayon sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor dahil inirereklamo din ng mga residente at mga debotong mananampalataya ang umanoy mga perwisyo at salot na illegal na sugal dahil sa ingay at hiyawan ng mga sugarol gabi-gabi na nagpupuyat sa pagtaya ng “pingpong, drop ball baraha at color games” sa loob ng mga peryahan na ilang taon na umanong talamak sa probinsiya na pino-protektahan ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at maimpluwensiyang pulitiko.



Ayon sa reklamo inaabot ng madaling araw ang mga sugarol sa pagsusugal maging ang mga kabataan na ginagawang libangan ang pagsusugal na kalaunay naging bisyo na nila subalit wala umanong aksyon ang mga kinauukulan para sugpuin at ipatigil ito.

Madalas na nagiging paksa rin natin ito noong nakaraang taon sa aking pitak sa nasyunal na pahayagang Police Files TONITE, SAKSI NGAYON at Dyaryo ng Bayan BANDERA PILIPINO maging sa programa ko radyo DWBL 1242 kHz AM band at KALAHI MO 101. 7 FM (DWXR) nitong mga nakaraang buwan ang reklamo ng mga taga Oriental Mindoro kaugnay sa magdamagang operasyon ng illegal na sugal na talamak at naglipana ngayong “bermonths” sa bayan ng Roxas, Victoria, Baco, Gloria, Roxas, Bulalacao, Pola, Socorro, Pinamalayan, Naujan, Baco, Bansud, Bongabong, Puerto Galera, at Calapan.



Ayon sa ilang deboto ng simbahan at ilang concern citizens imbes na ilayo umano ng mga nabanggit na opisyal ng gobyerno ay mistulang itinutulak pa umano ng mga ito para magumon o malulon sa bisyo ang mga kanilang mga kababayan. Mismo!

Kunsabagay may punto dito ang mga nagrereklamo dahil mula ng maitalaga ang mga nabanggit na PNP officials ay wala tayong nakikitang ginagawang aksyon ang mga ito para ipatigil ang mga pasugalan sa kanilang nasasakupan na isa umano sa nagiging dahilan kaya talamak ang nakawan, patayan at paglipana ng illegal na droga dahil na rin sa kanilang kapabayaan.



Ang siste pipicturan lang ng mga pulis ang mga gambling paraphernalia sa loob ng peryahan ng walang taong nagsusugal saka gagawan ng report na walang nagaganap na “gambling operation” na matagal ng naging kalakaran sa Oriental Mindoro ang mga style nilang BULOK.

Ayon sa reklamo kahit mga menor de edad ay hindi ligtas sa paglaganap ng gabi-gabing sugal na humihigop sa pera na pinaghihirapan ng bawat mamamayang mindorenyo.

Pakiwari nila walang gobyerno na sumasaway rito.Mismo!

“Imposibleng hindi alam ng mga pulis at namumuno sa kampo yan eh araw-araw nag-iikot mga yan at nagroronda sa gabi kaya imposible na hindi nila nakikita samantalang nahinto sila sa perya at tumatambay”. – wika ng isang tipster na ayaw magpakilala bilang proteksyon na rin sa kanya

Anila maraming kabataan at pamilya ang napapariwara ang buhay dahil sa sugal na imbes ipambili na lamang ng bigas ang kanilang pera, ay nakipagsapalaran pa sa “color games, pingpong at drop ball baraha” na “front” ang tradisyunal na Peryahan.

”Para mga patabaing baboy na umaaligid-ligid ang mga namumuno sa lalawigang ito na nag-aantay ng payola samantalang dinoble n ani dating FPRRD ang kanilang sweldo. Wag nilang sabihin na hindi sila nakikinabang sa perya at jueteng baka tamaan sila ng kidlat.” – diin ng impormante

Kung pagbabatayan natin ang hinaing ng mga taga Oriental Mindoro malinaw pa sa sikat ang paglapastangan sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287 anti-illegal gambling law dahil sa hindi pag-aksyon ng mga nabanggit na opisyal laban sa ilegal na sugal na matagal ng inerereklamo ng mga kaparian at namamanata.

Naniniwala din ang sektor ng simbahan at mga mananampalataya na bumabatikos sa mga salot na illegal na sugal na hindi mapapatigil nina Col Camara at Gen. Dela Cruz, dahil sa kasabihang “PAG GUSTO MAY PARAAN, PAG-AYAW MARAMING DAHILAN”. Mismo!

May impormasyon na hindi lang nakawan, patayan, sugal at talamak sa lalawigan ni Gov. Dolor, Kundi ang paglaganap ng illegal na droga at jueteng corporation.

Ops teka, may impormasyon na bukod din na pinarating sa akin ang ilang concern citizen na pati umano ang tanggapan ni NBI MIMAROPA Regional Director Atty. Moises Tayo at DILG Oriental Mindoro Provincial Director Erick Gumabol ay ginagamit sa pangongolekta ng payola sa ilegal na sugal ng ilang pulis scalawag?

Ang tanong alam kaya ito nina NBI RD Atty Moises at DILG PD Gumabol?

Tutukan natin kaya wag kayong bibitaw!

*
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977/0936-8625001 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com