Advertisers
DI natin maikakaila na ang mga galamay ng paubos ng puwersa ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay gumagalaw pa rin, dahil kamakailan lamang ay bumanat na naman ang mga ito ng propaganda na ang Barangay Development Program (BDP) raw ng pamahalaan sa pamamagitan National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay wala naman talagang magandang naibubunga.
Agad naman silang pinalagan ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC), at sinabing ang mga ganitong postural ay PANINIRA lamang sa Administrasyong Marcos
Sabi ni Gonzales, gaya na lamang sa Iloilo, paninira lamang ng mga grupong nagsasabing ipinaglalaban nila ang mamamayan ang pagtutol ng mga ito BDP.
Ayon kay Gonzales, mahalaga ang mga proyektong ito sa paghahatid ng serbisyo, kaunlaran, at kapayapaan sa mga komunidad na dating naapektuhan ng komunistang insurhensiya.
Totoo namang tututol ang mga komunistang-terorista sa program ang ito, eh mismong sila eh walang maibigay na ganyan, kung di pananakot at panggugulo lamang sa malalayo nating mga barangay.
Wala rin baseman, ayon kay Gonzales ang mga oatutsada ng mga naninira sa BDO.
Sabi niya, ang mga alegasyon ng grupong BAYAN hinggil sa umano’y mga iregularidad at ghost project sa ilalim ng BDP ay gawa-gawa lang ng grupo.
“Sinasabi ninyong para kayo sa taumbayan, pero kinokontra ninyo ang mga programang para sa taumbayan. Kinokontra ninyo ang lokal na pamahalaang tumutulong sa mga mamamayan. Sandamakmak kayo na mga hipokrito,” ani Gonzales.
Sa kabilang banda, mariin din pinabulaanan ni Dr. Raul Banias ng Iloilo, ang mga paratang at nilinaw na ang mga obserbasyon ng Commission on Audit (COA) ay may kaugnayan sa mga hindi pa natatapos na proyekto at pagsasauli ng hindi nagamit na pondo, hindi sa mga pekeng proyekto o napatunayang katiwalian.
Aniya, humigit-kumulang P196 milyon ang ibinalik sa National Treasury alinsunod sa mga regulasyon sa badyet.
Pinagtibay naman ni Rose Matucan, acting provincial planning and development coordinator at BDP focal person, na walang natukoy na iregularidad sa pagpapatupad ng mga proyekto batay sa Audit Observation Memorandum ng COA.
Ang mga paliwanag na ito ng NTF-ELCAC and dapat nating paniwalaan kaysa sa mga paninira ng grupong Bayan.