Advertisers

Advertisers

NBI lilipad ng Laos mag-iimbestiga sa nasabat na 521-kilo shabu

0 29

Advertisers

NAKATAKDANG magtungo sa Laos ang isang team mula sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at mangalap ng impormasyon kaugnay ng 521 kilo ng shabu na tinangkang ipuslit papasok sa Pilipinas.
Ayon sa NBI, hinihintay na lamang nila ang abiso mula sa pamahalaan ng Laos bago tumuloy sa naturang hakbang.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa pamahalaan ng Laos at sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng planong imbestigasyon.
Nilinaw ni Matibag na hindi layunin ng NBI na arestuhin ang mga suspek sa Laos, kundi imbestigahan ang naturang shipment upang matukoy kung sino ang nag-ayos ng booking ng flight at kung sinu-sino ang mga indibidwal na may kaugnayan dito.
Ipinaliwanag din ni Matibag na sa ilalim ng prinsipyo ng territoriality sa batas kriminal, ang mga paglabag ay karaniwang nililitis sa bansang pinangyarihan ng mga ito, maliban sa mga eksepsiyong itinatadhana ng batas ng Pilipinas.
Sa kabila ng mga usapin sa hurisdiksiyon, nais pa ring ituloy ng NBI ang imbestigasyon para sa kapakanan ng bansa, partikular upang matukoy ang mga nasa likod ng pagpapadala ng 521 kilo ng shabu at ang mga indibidwal na nakipag-ugnayan sa mga sangkot sa nasabat na shipment.