Advertisers
Maselan ang usapin sa pamamahayag at daig ang nag-aalburutong bulkan na kailangan pag-ingatan ng ‘di ganap na may masaktan. Sa karanasan, higit na matalas ang pluma sa espada. At ang nasilip na dahilan sa usapin na kinakaharap ng beteranong mamamahayag na si Philip Lustre, Jr. Sa nalathalang naisulat na artikulo hinggil sa mahiwagang P300M, dama ang hanggang buto ang hiwa ikinasama ng loob ng isang nagngangalang Mansanas Curfew ng kaTimugan. Sa iniharap na “mandamiento de arresto” ng mga pulis laban kay Ba Ipe, walang banggit ng ngalan ng tao na naghain ng reklamo laban sa mamamahayag. At ‘di sumagi sa isip ng mamamahayag na may kahaharapin o kinahaharap na usaping legal sa mga naisulat, at tagal na panahon sa pagkakasulat at paglabas sa social media ng artikulo hinggil sa P300M sipang pagpumasok sa isip ang ngalan ng isang Mansanas Curfew ng mabatid na nagmula sa kaTimugan ang isang pahinang dokumento.
At ‘di ipinatawag ang mamamahayag sa isang paunang pag-uusisa o “preliminary investigation” sa anumang hukuman sa bansa. Ang masakit, inihain ang pag-dakip sa araw ng Sabado na tila sinadya ng makaranas ng paghimas ng rehas si Ba Ipe. At pasalamat, dahil naganap ang pagdakip ng pulis QC sa lingguhang balitaan ng mga mamamahayag sa isang kainan sa Lungsod ng Quezon. Na nagkataon na ang panauhin sa banggit na balitaan ang isang abogado na karakarakang tumatayong tagapagtanggol ni Ba Ipe.
Naganap ang pagdakip at kinagabihan at nakapag-piyansa si Ba Ipe at pansamantalang nakalaya. Hindi tumigil ang mga grupo ng abogado ni Ba Ipe sa pagbatid sa kung sinong Pilato ang nasa likod ng reklamo. At ‘di nagtagal, nalaman na ang asawa ni Inday Salakay ang nasa-likod at ‘di nagkamali ang beteranong mamamahayag sa kung sino ang nasa likod ng reklamo, si Mansanas Curfew. At ang mabigat napansin ng mga nagsaliksik na ang naglabas ng “mandamiento de arresto’y” kalahi ng may ari- ng mga Dunkin Donut na binabad sa pukyutan na pumanhik sa puso ng preso sa The IwaHague.
Sa naganap na bruhaha, tila paunang hakbang ang kilos sa laban sa beteranong mamamahayag at may kasunod na malaki na ibig sungkitin sa usapin ng pamamahayag, ang GMA 7. Lumabas sa balitaan na sasampahan ng kaso ng isang kinatawan muli sa kaTimugan ang nasabing estasyon dahil sa nakakasirang ulat sa kinatawan. Ang banta sa pamamahayag at sa mga mamamahayag ang tila ikinasasaya ng mga taong buktot na ibig busalan ang ika-apat na estado sa bansa, ang Media. Sa kaganapan hinggil sa paniniil sa pamamahayag, napansin na tila naka-hinga ang mga buktot at nakahanap ng panangga kontra sa industriya ng pamamahayag. Ang banggit na kasiyahan ng mga buktot ang ikinalulungkot ni Mang Juan at ang pananahimik ng pamahalaan sa panunuwag sa mga kritiko ng kaTimugan.
Hindi payak ang naganap na pagdakip kay Ba Ipe at ang mga banta sa GMA7 dahil silip na ibig busalan o patahimikin ang hanay ng mamamahayag na kritiko ng mga kaTimugan. Sa kabilang banda, ang kawalan pagkilos o pahayag ng pamahalaan ang higit na ikinababahala na tila sinusubok ang hanay ng mga mamamahayag. At sala ang gawa na sumusubok sa hanay ng mga mamamahayag sa kadahilanang tuloy ang laban sa katotohanan. Sa pagbabalik tanaw sa araw na pagdakip kay Ba Ipe, kara-karakang naglabas ng pahayag ang National Press Club na pagkondena sa maling pagdakip sa mamamahayag. At walang pag-aalinlangan na tatayo’t lalabanan ang ano mang uri ng pagsupil sa malayang pamamahayag. At paiigtingin ang pagmumulat sa hanay at sa mga salang gawa laban sa bayan at sa industriyang kinaaniban.
Sa totoo lang, serbisyo sa bayan ang maghatid ng mga kaganapan sa bawat sulok ng bansa at ng mundo. Hindi itinataas ang pagkamamamahayag ngunit ipinaabot na mga kaganapan sa mundo ng kagalingan na nakapaghahanda sa bawat Pinoy o tao sa kaganapan, sa mundo, sa pamahalaan higit sa pang-aabuso na gawa ng mga taong dapat na naglilingkod. Ang paglalabas sa salang gawa ng mga opisyal ng bayan ang daan sa pagkakabatid ng maraming kamalian na pasanin ni Mang Juan sa kasalukuyan. Ang usapin sa bilyon – bilyong piso anomalya sa proyekto sa “flood control”, ang 11 araw na pagsalakay ng abalang pangulo sa kabang bayan at iba pa. Ang mga banggit na kaganapan ang naipabatid sa bayan na serbisyong totoo ng mga mamamahayag. Sa likod ng mga negatibong ulat, nariyan na naipapaabot sa bayan ang mga programa ng pamahalaan na kapaki-pakinabang na tinatangkilik ng mamamayan. Ganun kahalaga ang serbisyo ng mga mamamahayag
Ang salang gawa sa hanay ng pamamahayag ang lantarang banta na kailangan bigyan pansin at paghandaan ng hanay. Hindi karaniwan ang naganap na paglabas ng mandameinto de arresto higit sa araw na pinid ang mga tanggapan upang makapag-pyansa sa pansamantalang paglaya. Ang higit na masakit sa panahon na alang pera ang pamilya o ang mamamahayag na hahainan o dakpin. Sa totoo lang, mapalad si Ba Ipe dahil naganap ang pagdakip sa pagkakataon na maraming mga kasama ang naroon at nasabihan sa nagaganap. At higit na mapalad sa pagkakataon na naroon ang isang tao na ganap ang kabatiran sa batas na tumayo upang bilang tagapagtanggol ni Ba Ipe. Paano ang walang salapi at walang saksi, mawawala na lang?
Sa totoo lang, nalulungkot si Mang Juan sa usad pagong at ‘di maagap na pagkilos ng pamahalaan sa pagmamalabis sa hanay ng pamamahayag. Umaasa na ‘di nagtetengang kawali ang pamahalaan sa banta laban sa pamamahayag. Sa paglalahad nang pangulo sa mga anomalya sa mga proyekto’y ganap na naunawaan ng bayan dahil dinadala o binitbit ng mamamahayag. Ang usapin na nakahain sa Senado ang isang serbisyo bitbit ng media na dahilan sa pagkakabatid sa pagmamalabis sa kaban bayan ng abalang pangulo. Ang masakit, kibit balikat ang tugon dahil sa politikang hanay na kinabibilangan. Tila bale wala ang nagaganap sa hanay ng mamamahayag at hayaang magtanggol sa kanilang hanay dala. Ngunit patuloy na umaapela sa pamahalaan, sagkain ang banta sa malayang pamamahayag dahil katotohanan at serbisyo ang dala para sa bayan. Tumindig sa tama ng makakamtan ang tiwala ng bayan ng walang pag-aalinlangan.
Maraming salamat po!!!!