Advertisers

Advertisers

Cayetano hinimok ang gobyerno na pagaanin ang proseso para sa maliliit na negosyo

0 32

Advertisers

Nananawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na gawing mas simple ang mga requirement para sa maliliit na negosyo at tulungan silang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Kasunod ito ng pagsuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mandatoryong pagpapakita ng Registration Seal Badge para sa mga online seller at content creator habang sinusuri ng ahensya ang mga usapin tungkol sa privacy at teknikal na pagpapatupad nito.



“A business does not have to be big to matter. If it keeps a child in school or a family out of debt, it is doing something worthwhile,” pahayag ni Cayetano sa isang Facebook post nitong October 27, 2026.

“We should help, not hamper, these entrepreneurs. Our goal is to help them grow within the formal economy,” dagdag niya.



Malugod na tinanggap ni Cayetano ang desisyon ng BIR na pansamantalang suspindihin ang naturang requirement.

Gayunman, iginiit niyang marami pang pwedeng gawin ang gobyerno para sa napakaraming maliliit na negosyo sa bansa, kabilang ang mga nasa impormal na sektor, na malaki ang naitutulong sa pagtakbo ng ekonomiya ng bansa.



Hinimok niya ang mga ahensya ng gobyerno na pagbutihin ang kanilang koordinasyon upang mapadali ang mga proseso at mabawasan ang oras na ginugugol ng mga negosyante sa pagtalima sa mga hinihingi ng pamahalaan.

Dagdag niya, dapat aktibong gumawa ng paraan ang mga ahensya ng gobyerno upang may kumpiyansang makapagpatakbo ng negosyo ang maliliit na negosyante at magkaroon ng mga oportunidad na lumago.

“Some small sellers want only a dependable livelihood. Others hope to expand and employ people. Both deserve a fair chance. Our people are already making the effort. Let us help that effort bear fruit,” pahayag ni Cayetano.

“This requires a whole-of-government effort. Better coordination can save people time while protecting consumers, personal information, and public revenues,” dagdag niya.

Nagpasalamat din si Cayetano sa mga online seller, content creator, at iba pang stakeholder na nagpahayag ng kanilang mga pananaw tungkol sa polisiya, kabilang si Senator Pia Cayetano.

“This is how we should work together,” wika ng Minority Leader. “The lesson is simple: listen to the people who deal with these requirements every day. Their experience can help us get policies right. Seeing their concerns addressed also builds trust.”

“With sound policies and institutions they can rely on, that resourcefulness can help them build a better future,” dagdag niya.