Advertisers

Advertisers

ARMY NA ANG GUMAWA NG PARAAN

0 25

Advertisers

MAINAM itong aking nabalitaan na effort ng Philippine Army’s 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division para sa mga Caviteños.

Ito kasing Jungle Fighter Division ng Army ay nag-ikot ng Cavite para ibahagi ang kanilang kaalaman sa mga isyu ng West Philippine Sea o’ WPS, at recruitment scheme ng NPA I’m New People’s Army.

Bakit maganda ito para sa mga Caviteños? Una, maiintineihan nila ng magi ang sitwasyon sa WPS ang mga isyu sa hidwaan ng labanan sa teritoryo ng karagatang. Pangalawa, malalaman nila ang oanggogoyo ng NPA sa taongbayan at ang kanilang mapanglinlang na paraan para makakuha ng miyembro sa giyera nilang wala namang magandang kalalabasan.



2,165 residente ng mga barangay sa limang lokslidad na nga raw ang kanilang naabot at nabigyan kaalaman.

Ang 202nd Infantry (Unifier) Brigade, sa pamamagitan ng Joint Task Unit Ugnay at ng 2nd Civil-Military Operations Company, ay nakagawa rin ng on one-day Community Information Awareness at Approach Program (CIAAP) sa may Noveleta, Rosario, Magallanes, Tanza, at Dasmariñas City.



Naipaliwanag nila ang kahalagahan na maintindihan ang isyu sa WPS at ang pangloloko ng NPA para lamang maka-recruit lalo na ng mga kabataan.

Di Unifier Brigade Commander Brigadier General Ernest John Jadloc na ang nagsabi, na ang talakayan ay mahalaga para sa pagpapatibay ng seguridad ng bansa.



“Some parents may not recognize when their children are being approached for recruitment, while others may only hear about the West Philippine Sea through the news. We want our communities to understand these issues, recognize the risks, and know how to protect themselves,” ang paliwanag ni Jadloc.

Naisakatuparan ang ako aktibidad sa nakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng Cavite, ng Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Coast Guard.

Mabuhay kayo mga brother, sa ginagawa inyong paraan para makapagbigay kaalaman sa mga Caviteños hinggil sa WPS at pangloloko ng mga natitira pang kakarampot na bilang ng NPA.