Advertisers
INIHAYAG ng Media Affairs Office ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) noong Sabado na tumaas ng 3.36% ang mga umaalis at dumarating na mga pasahero na nakarehistro noong Huwebes Oktubre 29, 2026 habang 4.17% na pagtaas ng mga pasaherong nakarehistro noong Biyernes ng Oktubre 30, 2026.
Sa ulat, nasa 64,721 international passengers at 75,556 domestic passengers ang naitala noong Huwebes Oktubre 29, 2026 habang 77,052 international passengers at 76,843 domestic passengers ang naitala noong Biyernes.
Sinabi ng MIAA na naka-standby ang lahat ng tauhan ng gobyerno sa NAIA para matiyak na ligtas, at maginhawang biyahe ang lahat ng pasahero at airport users tuwing Undas.
Nagdagdag naman ang Bureau of Immigration (BI) ng mas maraming immigration officers sa NAIA para ma-accomodate ang dumaraming pasahero.
Kaugnay nito, kinansela ng Office for Transportation Security (OTS) ang bakasyon ng humigit-kumulang 2,529 Security Screening Officer para sa deployment sa mga paliparan, daungan, bus terminal at istasyon ng tren sa buong bansa para matiyak ang sapat na tauhan at walang patid na security screening operations sa Undas 2026. (JOJO SADIWA)