Advertisers

Advertisers

Wanted na “rapist” sa Parañaque nasakote sa Cavite

0 42

Advertisers

NATIKLO ng mga otoridad noong Linggo ng hapon sa lalawigan ng Cavite ang wanted na rapist na may kinakaharap na kasong panggagahasa sa Paranaque City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Sa naging direktiba ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ikinasa ang pagdakip kay alyas “Joel”, 31 taong gulang nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon na nagtatago sa Barangay Lallana, Trece Martires City sa Cavite ang akusado.

Dakong alas-4:05 ng hapon nang matunton at madakip nina Paranaque City Chief of Police P/Col. Nicolas Piñon ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Agosto 24, 2026 ni Acting Presiding Judge ng Paranaque City Regional Trial Court (RTC) Branch 260 para sa kasong Rape sa ilalim ng R.A. 8353.



Binigyang-diin ni BGen. Pastor na ang matagumpay na operasyon ay sumasalamin sa kahalagahan ng kanilan programang “Timpuyog” isang salitang Ilocano na ang kahulugan ay pagkakaisa at kolektibong aksiyon ng kapulisan saan mang panig ng bansa.

Nakapiit na ngayon ang akusado sa custodial facility ng Paranaque Police Station habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Paranaque City Jail na walang inirekomendang piyansa. (RONALD BULA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">