Advertisers

Advertisers

IMPEACHMENT TRIAL VS SARA POSIBLE MATAPOS NGAYONG NOBYEMBRE

0 36

Advertisers

SA tingin ng House Prosecution Panel ay posibleng matapos na ngayon Nobyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, sampung buong araw ang gagamitin ng depensa sa kanilang presentation sa impeachment trial na muling magpapatuloy sa November 9.

Inaasahan din ni Luistro na mas mapapabilis ang proseso ng impeachment matapos nilang iatras ang tatlong articles of impeachment kung saan ang tangi nilang isinulong ay ang artikulo patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.



Binanggit ni Luistro na sa pre-trial conference ay 30-araw ang hiningi ng depensa para sa kanilang presentation.

Pero bumaba ito sa sampung araw na trial days dahil nga isang article of impeachment na lang ang kailangang maging sentro ng presentation ng depensa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">