Advertisers

Advertisers

‘Pag nakalusot si Sara sa impeachment…

0 39

Advertisers

POSIBLENG matapos ngayong buwan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio dahil isang article nalang ang dinidinig, ang umano’y mga tagong kayamanan ng Bise Presidene na hindi dineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Magpapatuloy ang trial sa Lunes, Nobyembre 9, matapos ang dalawang linggong break ng Senate Impeachment Court.

Sakaling malusutan ni Sara ang impeachment dahil ito’y isa ring “numbers game”, hindi parin siya ligtas sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa kanya tulad ng tax evasion at plunder dahil sa hindi niya pagdeklara ng kanyang tamang yaman.



Pero sa tingin ko ay malabong makalibre si Sara sa impeachment. Una, kung numero ang pagbabatayan, mga apat hanggang limang senador nalang ang papabor sa kanya. Ito’y sina Robin Padilla, magkapatid na Cayetano (Pia at Alan), Imee Marcos at Camille Villar. Dahil ang DDS senators na sina Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada ay suspendedo at nakakulong, habang si Bato dela Rosa ay nagtatago dahil sa ICC arrest warrant. Si Loren Legarda naman ay nag-playing safe, nagpapagamot daw sa Europe,

Sa article of impeachment na kinakaharap ni Sara ay dito na-impeach sina Chief Justices Maria Lourdes Sereno at yumaong Renato Corona.



Actually, kung tutuusin ay hindi ganun katindi ang mga akusasyon noon kina Sereno at Corona, tungkol sa hindi nila pagdeklara ng kanilang income at ari-arian sa kanilang SALN.

Mas grabe itong kay Sara. Talagang malinaw pa sa sikat ng araw, ayon sa mga inilatag na ebidensiya ng prosekusyon at mga testigo, ang kanyang pagsisinungaling sa kanyang SALN.



Oo! Kung maging patas lang ang DDS senators, magbabase ang kanilang pagboto sa mga ebidensiya, zero vote si Sara. Mismo!

Kaya nga kapag nakalusot si Sara sa impeachment, sa mga kasong kinakaharap niya sa Ombudsman pagkatapos nitong trial ay tiyak may paglalagyan siya sa plunder at tax evasion cases. Peks man!

Anyway, subaybayan natin ang pagpapatuloy ng trial sa Lunes, kungsaan ay ang depensa naman ang maghaharap ng kanilang mga testigo. Tingnan natin kung paano nila babarilin ang mga ebidensiyang inilatag ng prosekusyon.

Subaybayan!

***

Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa 200 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 billion sa Manila International ontainer Port (MICP).

Ang shabu ay nakatago sa cartoon boxes sa loob ng shipping container.

Ayon sa BoC, ang shipment ay orihinal na nanggaling sa Lao PDR at ikinarga sa Haiphong, Vietnam, na natunugan ng intelligence.

Binubusisi ngayon ng mga awtoridad ang pinanggalingan at kung sino ang nasa likod nitong drug smuggling.

Subaybayan!