Advertisers

Advertisers

1 chinese, 2 malaysian arestado sa ‘parcel scam hub’ sa Pasay

0 34

Advertisers

MANILA, Philippines — Naaresto kahapon sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang gusali sa Pasay City ang isang Chinese at dalawang Malaysian na nag-o-operate ng parcel scam sa ilang bansa sa Southeast Asia tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia.

Sa tulong ng mga nakatakas na biktima sa parcel scam hub na nagsumbong sa mga awtoridad, nailigtas ang 159 indibidwal na karamihan ay mga Indonesian habang ang iba ay Chinese, Vietnamese, at Malaysian na ginagamit sa pang­loloko.

Ayon kay CIDG-NCR PCol. John Guiagui,pawang mga taga-Vietnam, Malaysia, at Indonesia ang kanilang mga binibiktima, kung saan nagpapakilala umano ang mga scammer bilang mga pulis para takutin ang mga biktima na may lamang kontrabando ang kanilang mga inaasahang parcel.



Kapag kumagat umano ang mga biktima, uutusan ito ng mga nagkukunwaring pulis na ilipat ang laman ng bank accounts ng mga biktima sa bank account na ibibigay nila upang hindi sila sumabit. (RONALD BULA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">