Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
AMINADO ang Kapuso hunk na si Luis Hontiveros na nakaranas siya ng depression at anxiety ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
“Yes, I had my fair share of struggles since the start of the pandemic, with everything being so uncertain all of a sudden, from our own health and safety and then the loss of our jobs during the lockdown.”
Nalampasan naman iyon ni Luis sa pamamamagitan ng pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at sa mga nagaganap sa paligid.
Paano siya napapayag magtrabaho sa panahon ng pandemya?
“As long as the standard health and safety protocols are strictly followed by everyone that I’ll be working with then I have no problem and will be ready to fulfill my job as an actor.”
Samantala, wala pang isang taong Kapuso si Luis pero masaya raw siya sa naturang TV network.
“I signed with GMA last July of 2020.
“I’m very happy to be a Kapuso and I also feel very fortunate and grateful that I am still blessed with a job amidst the pandemic.”
Paano niya napapanatili na maging fit and healthy ngayong may pandemya?
“I work out at home on a regular basis, I eat right, and make sure I get enough quality sleep to keep my immune system strong with the help of some supplements.”
Noong Sabado ng gabi ay napanood si Luis sa bagong episode ng Magpakailanman; may pamagat na RAPE VICTIM, IKINULONG! itinampok dito si Luis bilang si Dave, at si Kyline Alcantara bilang rape victim na si Krizzia.
Mula sa direksyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Loi Argel Nova, at panulat ni Karen P. Lustica, tampok din sa naturang episode sina Sharmaine Arnaiz bilang Babes, at Elle Villanueva bilang Apple.
Paano ilalarawan ni Luis ang naging papel niya bilang si Dave sa Magpakailanman?
“Para lang akong typical na kaibigang lalaki na mabait at malapit sa mga babae hanggang sa lumabas ang aking tunay na personalidad na sadyang hindi aasahan ng kahit sino.
“Mayroon palang itinatagong kulo sa loob ang aking karakter.”
***
ISANG certified Kapuso hunk kaya keri ni Jeric Gonzales na maging seksi at mapangahas sa Magkaagaw, ang GMA Afternoon series na pinagbibidahan niya.
Pero dahil serye ito sa telebisyon, may hangganan ang puwedeng ipakitang kaseksihan ni Jeric.
Sa pelikula, hanggang saan kaya ng Kapuso hunk na magpaseksi?
“After this? Siguro kaya ko na siyang gawin kapag natapos ko ito [Magkaagaw].
“So kung gagawin ko siya sa susunod, mas mae-explore ko pa siya, mas madali na.”
Kaya ba niya ang ginawang pagpapaseksi nina Marco Gumabao, Enzo Pineda at Tony Labrusca sa mga pelikula ng mga nabanggit?
Kaya ba ni Jeric ang butt exposure at pumping scene sa pelikula?
“Why not, why not? Sa tingin ko kaya ko na siya, at this point.”
Kaya ni Jeric magpakita ng puwet pero hindi ang frontal nudity.
“Puwet lang,” sabi pa ng Kapuso hunk.
Samantala, kasalukuyang umeere ang fresh episodes ng Magkaagaw.
Sa pagpapatuloy ng seryeng pinangungunahan nina Jeric, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Sheryl Cruz, mas matitinding harapan at tapatan ang aabangan ng mga manonood. Tuluyan na nga bang magwawagi si Veron (Sheryl) sa kanyang paghihiganti?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa all-new episodes ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.