Advertisers

Advertisers

Pinoy seafarers patay sa pagsabog ng oil tanker

0 20

Advertisers

NASAWI ang isang Pilipinong seafarer habang ligtas naman ang 21 iba pang Pilipinong tripulante sa pagsabog sa Marshall Islands-flagged oil products tanker sa Persian Gulf madaling-araw ng Nobyembre 5.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), patungo sa Sitrah, Bahrain ang tanker na MT Velos Sapphire nang mangyari ang insidente.
Batay sa mga paunang ulat, posibleng drone attack ang sanhi ng pagsabog, ngunit hindi pa ito beripikado at patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang tunay na dahilan.
Nagpaabot ng pakikiramay ang DMW sa pamilya ng nasawing seafarer. Ipinaalam narin ng licensed manning agency sa pamilya ang insidente at nagbibigay ito ng tulong at gabay. Nangako rin ng suporta ang may-ari ng barko sa mga naulila.
Tiniyak naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ibibigay ng pamahalaan ang kinakailangang tulong sa pamilya ng biktima, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pangalagaan ang mga pamilya ng mga Pilipinong seafarer.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DMW sa may-ari ng barko at mga kinauukulang awtoridad upang alamin ang buong pangyayari at matiyak na makararating sa pamilya ang kinakailangang tulong.