Advertisers
Ni Camille Guarin
Ibinahagi ng aktres na si Jillian Ward na naranasan na niya ang kanyang first kiss nang maging guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Sa naturang panayam, napag-usapan din ang kanyang pagsisikap na makawala sa child star image, gayundin ang ilang personal na karanasan niya.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Naka-experience na ng first kiss?”
“Past, past 21 na po ako,” nakangiting sagot ni Jillian.
Sa pangalawang pagkakataon, muling tinanong ni Boy ang aktres.
“Naka-experience ka na ng first kiss, guilty or not guilty? Hindi ko kasi nadinig ang sagot mo,” tanong ni Boy.
“Guilty,” nakangiting sagot ni Jillian.
“Na-experience nang malasing, guilty or not guilty?” tanong ni Boy.
“Guilty,” mabilis na sagot ng aktres.
Napag-usapan din ang tungkol sa pagiging child star ni Jillian at kung hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ba siyang makawala sa image bilang baby girl.
“Yes po. Kumbaga lagi pong nagugulat pa rin ang mga tao. Kunwari magpo-post po ako, parang nagugulat po sila. Hala, 21 na po ako! Kunwari po, eto naka-skirt ako, akala po nila, ‘minor pa siya ba’t ganyan ang suot niya!’ May ganun pa rin po.
“Pero 21 na po ako, guys. Sa mata po nila, sa isip nila baby pa rin ako. Pero super na-appreciate ko iyon kasi kumbaga pinapakita nila na from baby ako talagang love na love nila ako. And they are just looking out for me. Kumbaga protective po kasi sila sa akin,” sagot ni Jillian.
Nang tanungin naman tungkol sa karanasan sa pagkalasing, inamin ni Jillian na nakainom na siya ng Sangria kasama ang kanyang mga kaibigan.
“Yes po, Tito Boy. Uminom po ako ng Sangria with my girl friends. One or two glasses lang po of Sangria, wala na po. Tapos kapag lasing po ako, super funny po ako. Like dire-diretso po ako magsalita,” kuwento niya.
Well, in fairness, beauty and brains talaga si Jillian.