Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA sariling YouTube Channel ni Rica Peralejo ay isa-isa nitong sinagot ang mga tanong ng netizens.
At isa na nga rito ay kung naging sila ba ni Piolo Pascual.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rica at sinabi nito na naging sila nga at nagkamabutihan sila ni Papa P.
Pero sinabi nito na walang label ang kanilang relasyon.
At ayaw naman nitong magpaka-safe para sabihin na Yes or No.
Sa pag-amin ni Rica ay napag-usapan na nga raw nila ang pagiging husband at wife.
Hindi na nga raw nagkaroon ng katuparan ‘yun dahil naging sila na ni Bernard Palanca.
Natuwa rin daw si Rica kay Piolo nang dalhin siya nito sa church.
Dahil dun ay nakilala raw ni Rica si God kaya naman thankful siya nang dalhin siya ni Piolo sa simbahan.
***
NAGALIT pala ang Kapamilya network kay Maja Salvador hindi dahil sa lumipat ito sa TV5.
Sa pag-aakalang aangat nang solo ang kanyang career at kahit nga netizens ay hindi rin nagustuhan ang pag-oober da bakod ni Maja.
At ang kakaloka pang rebelasyon ay naghahanap pa raw ito ng damay sa paglipat niya.
Kahit nga si Kim Chiu ay gusto nitong isama sa kanyang paglipat sa TV5 na siya nga raw dahilan kaya naman nagalit sa aktres ang dati nitong home network.
Buti na nga lang daw at hindi nasilaw si Kim sa malaking offer ng TV5 at nanatili ang loyalty nito sa network na nagbigay sa kanya ng big break.
Kaya good decision daw kay Kim ang hindi nito pagsama kay Maja at kung hindi ay pareho silang nawalan ng career.
Kung dati ay kinikilala ang performance ni Maja sa husay sa pagsasayaw eh ngayon tila nalilimutan na ng kanyang Kapamilya.
Well, well, well…’Yun na!