Advertisers

Advertisers

NAPOLCOM, DOTr VS ‘BUTAW’ HINILING!

0 1,336

Advertisers

SIBAKIN sa kanilang mga pwesto ang mga esklawag na responsable sa pangongolekta ng “butaw” sa iba’t-ibang passenger terminal sa bansa!

Ito ang mariing panawagan ng mga apektadong sektor kina National Police Commission (Napolcom) Commissioner Ralph Calinisan, at Department of Transportation Secretary Vince Dizon sa harap ng pagbubunyag ng malawakang “tong collection” sa mga passenger bus, van at driver ng ilang miyembro ng Philippine National Police at iba pang awtoridad.

“Butaw” ang tawag sa suhol na kinokolekta ng ilang tiwaling pulis upang “busugin” ang ilang kakutsabang LTO flying squad, PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) at lokal na pulis mula sa hatag ng mga bus driver ng mga passenger van at bus upang ‘di bulabugin sa araw-araw na pamamasada.



Ayon sa mga apektadong driver at operator ng mga van at bus, pinaka-garapal ang “butaw” collection sa mga passenger terminal sa Bata-ngas City Grand Terminal, Diversion Road, Brgy. Alangilan; Batangas City Port, Brgy. Sta Clara; Pure Gold Parking Area, Brgy. Calicanto na pawang sa Batangas City, at SM Parking Area sa Lipa City.

Tatlong police patrolman ng Batangas City ang itinuturong kolektor ng tig P800 na “butaw” araw-araw sa kada biyahe ng mga passenger van at bus, kahit may kaukulang LTFRB franchise o colurom man ang mga ito.



Pansamantalang hindi tinukoy ng Police Files Tonite ang mga pangalan ng mga kolektor habang nag-aantay pa ng aksyon nina NAPOLCOM Commissioner Cali-nisan at DOTr Sec. Vince Dizon.

Nakaka-dalawang biyahe kada araw ang bawat isang van at bus na tinatayang may 1000 may prangkisa at colorum na ang biyahe ay mula sa Batangas City Grand Terminal; Batangas City Port Parking Area; Pure Gold Parking Area, pawang sa Batangas City at SM Parking Area, Lipa City, patungo sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON at Metro Manila.



May “butaw” din sa mga nagbibiyaheng van at bus sa mga terminal ng Tanauan City, Calaca City, Sto. Tomas City at mga bayan ng Lemery, Bauan, Nasugbu, Balayan, Lobo at iba pang lugar ng Batangas.

Bukod sa Batangas ay may tong o P 800 “butaw” collection din sa mga bumibiyaheng van at bus sa Laguna, Cavite, Quezon at Rizal.

Milyones ang halaga ng nakukulimbat na “butaw” araw-araw sa buong rehiyon.

Kaparte din sa “butaw collection” ng mga naturang pulis ang ilang pulitiko, goons at ex-convict na nagsisilbing “poste” sa mga passenger terminal sa Batangas City, Lipa City, Tanauan City, Calaca City, Sto. Tomas City at mga bayan ng Lemery, Bauan, Nasugbu, Balayan, Lobo at iba pang mga lugar na may mga bus at van terminal sa lalawigan ng Batangas.

Nabunyag ang naturang sistema ng tong collection matapos na mapatay noong June 2026 ang isang driver dahil sa pagtanggi nitong maghatag ng “butaw” sa tong kolektor na isang police staff sergeant sa Muntinlupa City.

Nadiskubre rin ang garapalang koleksyon ng “butaw” sa mga tourist at passenger van sa Cordillera Autonomous Region (CAR) nang umalma kamakailan ang Samahan ng Manibela kaugnay sa tong koleksyon na umaabot sa P50,000 sa maraming tourist at passenger van sa Baguio City.

Isang alyas “Durado” ang pinangalanang “butaw” kolektor ng isang LTFRB official sa CAR.

Kapag hindi nakapaghatag ng “butaw” kay alyas “Durado” ay ini-impound ang mga passenger at tourist van. Itinanggi ng naturang LTFRB official ang paratang laban sa kanya.

Pinangalanan naman na isang alyas “Mr. Romantiko” ang weekly “butaw” o tong kolektor ng tanggapan ng ilang LTFRB at LTO sa Batangas at maging sa buong Region 4A. (CRIS A. IBON)