Advertisers

Advertisers

PNP determinado sa pag-aresto kay Sen. Bato

0 19

Advertisers

NANINIWALA umano ang Philippine National Police na matutunton at maaaresto rin sa lalong madaling panahon si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng patuloy nitong hindi pagharap sa mga awtoridad.

Ayon kay Philippine National Police Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi habambuhay na makapagtatago ang isang taong pinaghahanap ng batas, lalo na’t unti-unti na umanong nalilimitahan ang mga lugar na maaari nitong puntahan.

Umaasa umano si Nartatez na malapit na nilang mahanap ang senador habang nagpapatuloy ang kanilang operasyon upang maipatupad ang arrest warrant na inilabas laban dito.



Siniguro rin ng hepe ng pambansang pulisya na hindi humihinto ang kanilang paghahanap at tuloy-tuloy ang koordinasyon nila sa iba pang law enforcement agencies, partikular sa mga yunit na may kakayahang magsagawa ng intelligence operations.

Nagsasagawa na rin umano ang mga awtoridad ng operasyon 24 oras kada araw upang masuri at maaksyunan ang bawat impormasyong maaaring magturo sa kinaroroonan ni Dela Rosa.



Nauna nang inihayag ni Nartatez na nakatanggap na ang Philippine National Police ng hindi bababa sa 500 impormasyon tungkol sa posibleng kinaroroonan ng senador.

Hindi lamang umano basta tinatanggap ang mga ito dahil dumaraan muna sa validation at sinusundan ng aktuwal na operasyon sa mga lugar na tinutu koy.



Matatandaang nahaharap ang Senador sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) si Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity na nag-ugat sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.