Advertisers

Advertisers

Ombudsman binalaan mga tauhan ng BJMP sa ‘special treatment’ kay Romualdez

0 17

Advertisers

MARIING binalaan ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sakaling mapatunayan nagkaroon ng iregularidad sa kulungan.

Ayon kay Ombudsman Remulla, hindi siya magdadalawang isip na tanggalin mula sa serbisyo o ‘i-dismiss’ ang mga ito sa oras na matukoy ang kanilang pananagutan.

Tiyak daw na unang papanagutin ang mga nakatalagang magbantay sa kulungan na posibleng maharap din sa ‘forfeiture’ o pagbawi ng lahat na matatanggap na benepisyo.



Alinsunod ang babala nang lumitaw ang isyu patungkol sa pagkakaroon umano ni dating House Speaker Martin Romualdez ng ‘personal assistant’ sa loob ng kulungan.

Matatandaang inamin mismo ito ni New Quezon City Jail Male Dormitory Warden Supt. Maria Lourdes Pacion nang humarap sa Sandiganba-yan.



Mariing inalmahan ni Ombudsman Remulla ang naturang impormasyon nagsasabing merong ‘special assistant’ sa loob ng kulungan ang dating house speaker.

Paniwala niya’y bawal ito at paglabag sa panuntunan ngunit ayon sa kanya’y ibeberipika o titingnan pa muna nila ang patungkol sa isyu.



Gayunpaman, upang personal na matiyak at masuri kung mayroon iregularidad sa kulungan, kanyang inanunsyo ang planong pagsasagawa ng ‘suprise visit’ sa mga pasilidad nito.

Ayon kay Ombudsman Remulla, pokus sa magiging inspeksyon nagsasabing makita kung meron ‘special treatment’ sa loon ng kulungan kung saan naka-detine ang mga may kasong kinakaharap sa Sandiganbayan.